Halimuyak ni Aya (470)
“NAKU, huwag ka nang mag-abala pa Numer. Kakahiya naman na ibibili mo pa ako ng pasalubong. Ako na nga ang nakaÂabala sa’yo ay pasasalubungan mo pa ako,†sabi ni Imelda.
“Basta ibibili kita ng pasalubong. Hindi na kita tatanungin kung ano ang gusto mo at tiyak na hindi mo naman sasabihin. Ako na lang ang bahala at mayroon na akong naisip.’’
“Kakahiya naman, Numer. Babawasan mo pa ang pera mo dahil sa ipapasalubong mo sa akin.’’
“E ano naman? At saka wala akong problema sa pera, Imelda. Marami akong ipon. Di ba wala na naman akong magulang at wala ring kapatid. Kaya wala akong problema sa pera.’’
“Ganun ba? E di sige ikaw ang bahala.’’
“Meron sana akong hihilingin, Imelda.â€
“Ano yun?â€
“Puwede bang ikaw ang sumalubong sa akin sa NAIA. Para naman maranasan kong may salubong. Kung puwede lang naman.’’
“Aba e di sige. KaÂwawa ka naman.’’
“Basta tumayo ka lang sa may arrival area at tiyak na makikita mo ako. Basta may nakita kang guwapo, ako na ’yun, he-he-he!â€
“Sige, Numer, mag-ingat ka sa biyahe.’’
“Okey. Tatawag uli ako sa’yo kapag nasa King Khalid InterÂnational Airport.’’
“Sige, bye!â€
ARAW ng pagdaÂting ni Numer. Maaga pa ay nasa NAIA na si Imelda. Nag-abang siya sa arrival area. Habang pinagmamasdan ang mga lumaÂlabas na tao ay kinaÂkabahan siya. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama.
(Itutuloy)
- Latest