Halimuyak ni AYa(468)
“NASASABIK ako sa ikinukuwento mo Numer. Alam mo ba, gusto ko nang hatakin ang araw na magkikita si Abdullah at ang anak niyang si Doc Sam,’’ sabi ni Imelda na halatang masaya ang boses.
“Ako man, Imelda. Hindi ko akalain na ganito ang mangyaÂyari na siya pa ang makikiusap na haÂnapin ko si Cristy at ang anak niya.’’
“Talagang sinabi niya iyon, Numer?’’
“Oo. Alam kasi niya na yung pinagbubuntis ni Cristy ay siya ang may kagagawan. Kaya nga siguro nakokonsensiya siya at gustong makita si Cristy. Siguro gustong magbayad ng kasalanan.’’
“Pero paano kaya kapag nalaman niyang patay na si Cristy?’’
“Siguro malulungkot siya. Pero buhay naman ang anak niya kaya siguro magiging masaya rin.’’
“Pero saÂbi mo, hiling niyang ilihim ang pag-hahanap kay CrisÂty. Ka-yong daÂlawa lang daÂpat ang makaaalam.’’
“Oo. SiguÂro, ayaw niyang magkaÂroon ng proÂblema sa asawa niya.’’
“Pero humahanga ako kay Abdullah sa pagsisikap na makita si Cristy at anak niya.’’
“Oo nga. At sinabi nga pala ni Abdullah, nang tumakas si Cristy sa kanila at nagtungo sa Philippine Embassy, nagpunta siya roon at hinanap ito pero hindi nakita.’’
“E ano ang balak mo ngayon, Numer?’’
“Sabi ko nga kay Abdullah, hahanapin ko si Cristy. Ako ang bahala. At alam mo ang sabi niya, lahat nang gastos sagot niya. Siya raw ang bahala kung gusto kong umuwi ngayon din para hanapin si Cristy. Wala raw akong dapat ipag-alala sa lahat. Basta raw makita ko si Cristy at anak nila.’’
(Itutuloy)
- Latest