^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (462)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANONG nangyari, Numer? Sumakay ka ba sa kotse ni Abdullah?” tanong ni Imelda na excited sa ikinuwento ni Numer.

“Oo. Kasi’y niyaya niya ako. Mahirap namang tanggihan ang anyaya niya. Isa pa’y isa siya sa mga big boss namin sa Saudi Navy. Baka pag tumanggi akong sumakay ay sabihin na ganito ba ang mga Pilipino masyadong mahirap alukin.’’

“Ano ang pinag-usapan n’yo habang nasa kotse?”

“Tinanong niya ako kung saan pupunta?’’

“Anong salita niya Arabic o English?”

“English. Mahusay siyang mag-English dahil nag-aral pala sa siya sa naval school sa US. Nag-schooling pala siya roon ng ilang taon.’’

“E Tagalog maru-nong din siyang magsalita.’’

“Nakakaintindi siya ng ilang salita. Kasi nga madalas niyang kausap ang mga Pinoy.’’

“Ah kaya pala.’’

“E di tinanong niya ako kung saan ako pupunta? Sagot ko ay sa Batha. Sabi niya, doon ang way nila dahil patungo siya sa kanyang negosyo. May tindahan pala siya ng mga tela  at bibisitahin niya. Sabi ko hindi ba ako nakakaabala sa kanya. Mafi muskila raw…’’

“Ano nga yung mafi muskila, Numer. Nalimutan ko na. Hindi kasi natuto ng Arabic kahit nag-DH ako diyan.’’

“Ibig sabihin ng mafi muskila ay no problem. Wala raw problema sa kanya kahit sumabay ako.’’

“Ah yun pala ang ibig sabihin.’’

“Alam mo mayroon siyang sinabi bago ako ibinaba sa Batha.’’

“Ano yun Numer?”

“Meron daw si-lang naging maid na Pinay noon.’’

Hindi humihinga si Imelda sa susunod na sasabihin ni Numer.

(Itutuloy)

 

AKO

ANO

BATHA

E TAGALOG

IMELDA

KASI

NIYA

NUMER

SABI

SAUDI NAVY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with