Halimuyak ni Aya (452)
“MARAMI po palang Pinoy na nagtatrabaho sa Royal Saudi Navy. Karamihan po ay mga nasa opisina. Gusto po yata ay mga Pinoy ang mga empleado dahil madaling matuto at bukod doon ay mababait,†sabi ni Noime.
“Talaga. E itong kaibigan ni Tikboy na empleado sa Saudi Navy, anong trabaho niya?â€
“Documentation specia-list daw po.’’
“Ano ba yung documentation specialist, Noime?â€
“Hindi ko rin po alam, Ate. Ipatatanong ko po kay Tikboy.’’
“Pero etong Pinoy na kaibigan ni Tikboy ay matagal na roon sa Navy?â€
“Sabi po ni Tikboy ay nandito na noon pang Gulf War.’’
“Aba matagal na pala siya.’’
“Dito na nga yata tumanda ang kaibigan niyang iyon.’’
“Mabuti naman at nakilala niya ang Pinoy na iyon, Noime. Hindi tayo mahihirapan sa pagtatanong ukol kay Abdullah na ama ni Sam.’’
“Oo Ate. At siya nga pala, nalaman na rin ni Tikboy kung saan ang housing ng mga Pinoy na empleado sa Royal Saudi Navy. Minsan daw ay pupunta siya roon. Magba-bike daw siya. Malapit lang daw dito sa aming tirahan.’’
“Talaga, saan daw ang housing?â€
“Sa Rawdah daw, Ate. Mga Villa daw ang tirahan ng Pinoy doon. Malaking compound daw.’’
“Talagang marami nang alam si Tikboy sa Pinoy na yun. Bilib na talaga ako.’’
“Palakaibigan po si Tikboy, Ate. Kapag nga raw nagpupunta siya sa Batha ay marami siyang nakikila-lang Pinoy.’’
“Nakapunta na rin ako sa Batha, Noime. Maraming Pinoy na nagtutungo roon lalo na kung Huwebes at Biyernes.’’
“Oo nga po, Ate.â€
“E siyanga pala, di ba sabi mo nakakausap na noong Pinoy na empleado si Abdullah, masasabi kaya niya ang tungkol sa Pinay na nagngangalang Cristy?’’
“Si Cristy po ang ina ni Doc Sam ano, Ate?â€
“Oo. Naging maid nina Abdullah noon?’’
“Ipatatanong ko po kay Tikboy, Ate.’’
“Sige Noime. Aasahan ko…’’
Natigilan si Noime. Parang nag-isip ito. Saka nagsalita pagkaraan ng ilang sandali. “E Ate gusto mo ipakilala ka ni Tikboy sa Pinoy na kaibigan niya. Para kayo ang magkausap at magkakuwentuhan…â€
“Oo sige Noime.’’
“Sasabihin ko po kay Tikboy.’’
“Tatawagan uli kita next Friday.â€
(Itutuloy)
- Latest