Halimuyak ni Aya (447)
“PERO Doc Paolo, wala na po yatang interes si Sam na makita ang kanyang amang Arabo. Okey na po yata sa kanya na nakita ang picture ni Abdullah Al-Ghamdi. At saka ang sabi niya, imposibleng makita niya at kung makita, kilalanin kaya siya ni Abdullah?†Sabi ni Tita Imelda.
“Wala nang imposible ngayon, Imelda. Sa pamamagitan lang ng Facebook ay maraming mag-aama, mag-iina at magkakapatid ang nagkikita. At alam natin, ang Saudi Arabia ay isang maunlad na bansa at maraming Pinoy doon na maaaring makatulong sa paghahanap. Di ba Imelda?’’
“Opo Doc. Ang isa lang problema ay masÂyadong mahigpit po roon at maraming bawal. Kabisado ko po dahil mahigit 20 taon akong nagtrabaho. Doon po kapag oras ng pagdarasal ay kailangang huwag kang kakalat-kalat sa kalye at baka matiyempuhan ka ng motawa. Mahigpit po ang motawa, Doc Paolo.â€
“Ano yung motawa, Imelda?â€
“Religious police po yun. Mahaba po ang balbas nila.’’
“Ah ganun ba?’’
“Kaya nga po medÂyo may kahirapan na makakuha ng impor-masÂyon ukol sa father ni Sam.â€
“Pero paano ka nakaÂkuha ng photo ni Abdullah, Imelda?†tanong naman ni Dra. Sophia.
“Yun pong pinsan ng kaibigan ko ay nasa Riyadh. Siya po ang kinokontak ko. Siya po ang nagbigay ng picture ni Abdullah.â€
“O di maganda at mayroon kang kontak.â€
“Pero gaya po ng sabi ko, mahigpit doon. Delikado kapag nahuling kumukuha ng picture.’’
“Pero ano ang profession ng father ni Sam?†tanong ni Doktora.
“Ayon po sa kaibigan ko, isang opisyal ng Saudi Navy ang father ni Sam.â€
“Navy? Di ba wala namang dagat sa Riyadh? Paano naging navy?†tanong ni Doc Paolo.
“Hindi ko nga rin po alam, Doc. Maski ako po nagtataka dahil nung naroon ako, pawang disyerto ang nakikita ko. Pagtanaw ko sa bintana, mapulang buhangin ang nakikita ko.’’
“Ang Riyadh ayon sa nabasa ko ay isang malawak na disyerto at noon lamang dekada 70 nagsulputan ang mga malalaking inprastruktura roon, Mga Pinoy ang unang sumabak sa paggawa ng mga kalsada at tunnel doon,†sabi pa ni Doc Paolo.
“Oo nga raw po, Doc.’’
“Teka, balik tayo kay Abdullah, gusto ko makakuha ka ng inpormasyon pa sa kanya. Puwede kaya, Imelda.â€
“Sige po Doc.’’
“Salamat, Imelda. Sana may magandang resulta ito.â€
SINIMULAN ni Imelda ang misyon. Kinontak niya ang kaibigan sa Riyadh na nagngangalang Noime. Nakiusap siya rito na makakuha ng inpormasyon sa father ni Sam na si Abdullah Al-Ghamdi.
(Itutuloy)
- Latest