^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (444)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PARANG may pista sa malaking bahay nina Doc Paolo at Dra. Sophia. Mula nang maging mag-asawa sina Sam at Aya ay doon na rin sila nakatira. Isi­nama rin nila roon si Tita Imelda at katagalan ito na ang naging tagapamahala at tumitingin sa mga maid. Si Tita Imelda rin ang nag-aasikaso sa mga condo units nina Sam at Aya. Minsan isang linggo kung magtungo sa condo si Tita Imelda kasama ang isang kasambahay.

Tuwang-tuwa ang mga maid at drayber ng mag-asawa sapagkat muli nilang makakasama si Doktora mula nang ma­lagay sa bingit ang buhay, Pangalawang buhay nito kaya masayang-masaya sila. Maraming niluto. Isang malaking selebras­yon ang gagawin sa araw na iyon na lumabas sa ospital si Dra. Sophia.

Isa si Tita Imelda sa mga namahala sa mga inihandang pagkain.

Nag-iyakan ang mga maid nang makita si Doktora at isa-isang yumakap sa mabait na amo.

Napaiyak din si Doktora sa ipinakita ng mga maid.

Nagsalita si Doc Paolo, “Salamat sa inyo, alam ko nasisiyahan kayo dahil na­rito at kasama nating muli si Doktora. Salamat sa dasal ninyo. Salamat sa Diyos at binigyan si Doktora nang panibagong buhay. Alam ko, matagal pa natin siyang makakasama. Mabait ang Diyos dahil dininig ang ating mga panalangin…’’

Nagpalakpakan ang lahat­.

“Sige, kumain na tayo at magsaya dahil kasama na natin si Doktora!”

Masayang kumain ang lahat.

Si Doc Sam at Aya ay nasa sulok at masayang nag-uusap.

“Mabait talaga ang Diyos­, Aya.’’

“Oo, Sam. Napaka­bait!”

 

MADALAS ipasyal ni Doc Paolo si Doktora sa kanilang malawak na hardin. Habang malamig pa ang sikat ng araw, dina­dala na niya ito sa hardin.

“Saan mo gustong pumunta, Mahal?”

“Dun sa lilim.’’

Dinala ni Doc Paolo at doon sila masayang nag-usap. Kapag mainit na ang araw, dadalhin na niya ito sa loob ng bahay.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AYA

DIYOS

DOC PAOLO

DOKTORA

DRA

MABAIT

SHY

TITA IMELDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with