^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (443)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PAPA, si Sam!’’ sabi ni Aya at napatayo ito.

Hindi naman makapagsalita si Doc Paolo at nakatingin lamang sa paparating na si Sam. Nasa mukha ang pag-aalala sa ibabalita ni Sam.

“Sam, kumusta si Tita?’’

Napangiti si Sam.

“Nagkamalay na siya! Okey na si Tita. Don’t worry Papa.’’

Biglang napatayo si Doc Paolo.

“Salamat po Diyos ko!” Sabi nito at mahigpit na niyakap si Aya at pagkatapos ay si Sam. Napaiyak pa si Doc Paolo.

Tinapik-tapik ni Sam ang likod ni Doc Paolo.

“Okey na siya. Makakasama pa natin siya. Himala nga ang nangyari dahil kanina, tumigil na ang tibok ng puso niya pero biglang-bigla pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik muli. At makalipas pa ang ilang minuto, nagmulat ng mga mata. Hanggang sa mag-stable na ang tibok. Hindi ako makapaniwala sa nangyari at nasabi ko, ito ang tunay na himala. Hindi kinuha ng Diyos ang taong may mabuting kalooban.’’

“Sam, pinakinggan ako ng Diyos sa kahilingan ko na huwag munang kunin si Sophia. Marami pa akong dapat ipakita sa kanya. Hindi pa sapat ang pagli­lingkod sa kanya. Marami pa akong dapat gawin para mabayaran ang mga pagkukulang ko sa kanya.’’

Nakatingin lamang sina Sam at Aya kay Doc Paolo. Maiiyak na naman si Aya habang nagsasalita ang kanyang ama. Damang-dama nila ang kaseryosohan ni Doc Paolo sa sinasabi. Mahal na mahal nito si Dra. Sophia.

“Siguro makikita pa ni Sophia ang iba pa naming apo sa inyo. Kaya, Sam, Aya, apurahin na ninyo ang paggawa ng aming mga apo. Puwede ba?”

“Opo Papa. Masusundan na nga po itong si Pao,” sabi ni Doc Sam.

“Talaga? Totoo ba Aya?”

“Opo.’’

Ang kaninang lungkot na nadama ni Doc Paolo ay napalitan ng hindi maipaliwanag na saya. Walang katulad na saya dahil ligtas na nga si Dra. Sophia.

Lumipas pa ang ilang araw at inilabas na nila sa ospital si Doktora.

(Itutuloy)

AYA

DIYOS

DOC

DOC PAOLO

DOC SAM

DRA

MARAMI

OPO PAPA

SAM

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with