Halimuyak ni Aya (441)
“GUWAPO rin naman ako, Sophia di ba? Kaya sa akin nagmana ng kaguwapuhan ang apo ko,†sabi ni Doc Paolo habang nakatitig sa sanggol.
“Kasi po mukha siyang Saudi, kaya malakas ang kutob ko na ang kamukha ni baby ay ang lolong Arabo, he-he!â€
“Pero siyempre may nakuha ring part sa akin di ba? Tingnan mo ang noo niya, di ba kahawig ng noo ko.’’
“Okey, sige, kamukha mo na si baby, Doc Paolo. Ikaw na ang kahawig, huwag lang tayong magtalo, ha-ha!â€
“Ano kayang ipapa-ngalan kay baby, Sophia. Isunod kaya sa name ko.â€
“Bakit di mo sabihin kay Sam at Aya. Bagay bang Paolo kay Pogi?’’
“Oo naman.’’
“Baka may naisip na silang pangalan e hayaan mo na lang.’’
“Gusto ko maisama ang name ko. Di ba uso naman ang pangalan na doble ngayon? HalimbaÂwa ay Paolo Jose o Juan Paolo. Ano pa kayang pangalan ang magandang ikabit sa Paolo.’’
Nagtawa si Dra. Sophia.
“E kung Sophio Paolo? Ano sa palagay mo, Doc?â€
“Wow magandang suggestion ‘yan. Kakaiba. SoÂphio Paolo! Bakit hindi?’’
“Anong nickname niya?’’
“Sop!’’
“Pangit yata, Doc.â€
“E ano?â€
“Huwag nang Sophio, Doc.’’
“Why?â€
“Kasi baka may magbiro at tawagin siyang SIOPAO!â€
Humagalpak ng tawa si Doc Paolo. Nakatakip naman ang palad ni Dra. Sophia sa kanyang bibig habang nagtatawa.
“Bahala na nga sina Sam at Aya ang pumili.’’
“Oo nga. Hayaan mo na sila, Doc.’’
Tiningnan ni Doc Pao-lo ang asawa.
“Alam mo Sophia, ngaÂyon ako nakadarama nang labis na kasiyahan. Nga-yong kasama kita at nakita ko na ang aking apo. Wala akong pagsidlan sa katuwaan. Sana huwag nang maputol ang masasayang sandali na ito. Sana paÂwang tuwa na lang ang lahat.’’
“Ako rin, Doc wish ko, pawang ligaya na lang at walang katapusang liga-ya ang tamasahin natin. Sana sa mga nalalabi pa nating buhay ay hindi na tayo makaranas pang muli ng mga pagsubok.’’
Mahigpit na pinisil ni Doc Paolo ang palad ng asawa.
Pero tila may karugtong pa ang mga pagsuÂbok sa kanilang mag-asawa. Inatake sa puso si Dra. Sophia. Alalang-alala si Doc at Aya. Si Sam ang attending physician.
(Itutuloy)
- Latest