^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (440)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANG sama ng pakiramdam ko Sam. Talaga bang ganito ang feeling ng buntis?’’ tanong ni Aya.

“Oo. Makakaranas  ka ng pagkahilo pero sa mga unang buwan lang ng pagbubuntis. Ganyan talaga, part ng pagiging babae yan.’’

“Nanganganay ako ano, Sam?”

“Oo.’’

“Paano kung nasa cli­nic ka at masama ang pakiramdam ko?”

“Narito naman si Tita Imelda. Sanay na sanay siya sa pag-aasikaso sa nangangailangan. Talo pa ang caregiver. Malawak ang experience sa Saudi.’’

“Baka naman isipin ni Tita na pinatira siya natin dito para gawing caregiver o katulong.”

“Hindi. Sabi ni Tita, ta­lagang gusto niyang maa-lagaan ka. Kaya nga hindi na siya nag-atubili nang yayain ko rito.’’

“Talaga palang wala   na siyang kamag-anak dito sa Metro Manila.”

“Wala raw. Lahat nasa probinsiya. Wala rin yata siyang kapatid.’’

“Matandang dalaga siya ano?”

“Oo. Sabi niya mayroon siyang nobyo noon pero iniwan siya at nambuntis ng ibang babae. Mula raw noon, hindi na siya umibig pa. Natakot na siyang umibig pa.’’

“Sana nga dito na siya para lagi akong may kasama. Kasi sina Papa at Tita Sophia, ang pag-aabroad ang kinahuhumalingan ngayon. Nagbabayad ng utang si Papa. Sabi sa akin, bago raw siya mawala sa mundong ito, kailangang naipasyal na niya sa iba’t ibang bansa si Tita. Wala pa palang gaanong narara-ting na bansa si Tita kahit na mayaman sila. Gaya ngayon nasa trip sila sa Holy Land.’’

“Mabuti naman at na­num­balik ang kanilang magandang pagsasama ano. Napakaganda ng kanilang istorya ---- nagkahiwalay at muling nagkabalikan at mas matindi ang muling pagsasama. Mas lalong matamis ano?’’

“Oo nga.’’

“Mas lalo sigurong titibay ang pagsasama nila kapag naisilang mo na ang baby natin. Palagay ko, lalo silang magiging masaya.”

“Yan din ang nai-ima-gine ko Sam. Kaya kaila-ngang mailabas ko na ito.’’

“Excited na akong ma-kita ang anak natin, Aya.’’

“Kamukha mo sigurado ang anak natin. Matapang daw ang dugo ng mga Arabo. Baka napakaganda rin ng ilong at nakakabaliw ang mga mata.’’

“Siyempre may nakuha rin sa’yo. Ang ganda mo rin naman ah.”

 

HANGGANG dumating ang pagsisilang ni Aya. Ang mag-asawang Doc Paolo at Dra. Sophia ang unang nakakita sa baby. Masayang-masaya ang dalawa.

“Ang guwapo ng apo ko!”

“Kamukha ng ama!”

(Itutuloy)

AYA

DOC PAOLO

HOLY LAND

KAMUKHA

OO

SABI

SIYA

TITA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with