^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (437)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

IPINAKITA ni Doc Sam ang retrato ng amang si Abdullah kay Aya.

“Kamukhang-kamukha mo siya Sam. Yung mga mata niya, ilong at maski ang balbas at bigote ay nakuha mo. Kapag inalis kaya ang talukbong niya sa ulo, ano kaya ang itsura. Siguro mas guwapo lalo ano?’’

“Oo. Palagay ko nga Aya. Nang una kong makita ‘yan, parang nasabik ako. Parang may nadama akong kakaiba.’’

“Baka yun ang sinasabing ‘lukso ng dugo’ Sam.”

“Baka nga, Aya. Nakadama ako ng kakaibang kasiyahan. At alam mo ba na lagi kong tinititigan ang picture niya habang nasa clinic ako.’’

“Nararamdaman ko ang nararamdaman mo Sam. Pinagdaanan ko rin yan. Natatandaan mo noon, gustung-gusto ko ring makita si Papa. Pero di ba galit si Mama at ayaw akong palapitin kay Papa. Di ba pinagbawalan ako na hanapin o makilala si Papa. Pero nagsikap akong hanapin siya at hindi ako nabigo. Sobra rin ang ligaya ko nang makita si Papa. Para bang nawala ang mga hinanakit ko sa buhay…’’

Napabuntunghininga si Sam.

“Ikaw madali mo lang nakita si Papa dahil Pinoy din siya, pero sa kaso ko na isang Saudi ang aking ama, mukhang mahirap.’’

“Sabagay nga, pero malay mo rin. Ano kaya at dumating ang panahon na ma-meet mo siya Sam?”

“Paano?”

“Malay mo mag-anyaya sa’yo sa Saudi Arabia. Baka magkaroon ng conference doon. Di ba magagaling din daw ang doctor na nasa Saudi Hospital, nabasa ko sa isang news item. Yung isang hospital daw dun na ang pangaaln ay King Fahd Hospital ay moderno raw at magagaling ang doctor. Baka isang araw imbitahin ka roon…’’

“Halimbawa, mangyari yun, anong gagawin ko?”

“O e di magtanung-ta­nong ka. Siguradong tutu­lungan ka ng mga Saudi doctors. Itatanong mo kung saan makikita si Abdullah Al-Ghamdi.’’

“Ha-ha-ha! Ang galing mong mag-imagine, Aya. Bilib ako sa’yo.’’

“Uy huwag kang magtawa at lahat nang ini-imagine ko nagkakatotoo. Baka isang araw magulat ka na lang na kaharap mo ang iyong amang Arabo.’’

“Ha-ha-ha! Paano kaya ang sasabihin ko sa kanya. Magpapakilala ako na   anak niya sa isang Pinay. Paano kaya ang approach? Siguro, magtataka iyon. Baka isipin pa na nasisira-an ako ng ulo.’’

“Eto pa ang isang posibleng mangyari, Sam.”

“Ano?”

“Baka isang araw, ma-ging pasyente mo siya!”

(Itutuloy)

ABDULLAH AL-GHAMDI

AKO

ANO

AYA

BAKA

DOC SAM

ISANG

KING FAHD HOSPITAL

PAANO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with