Halimuyak Ni Aya (422)
“Hindi naman ako magiging pabigat sa’yo Aya. Mayroon pa naman akong pera at maaari pa akong magpraktis ng propesyon ko,†sabi ni Doc Paolo.
“Alam ko, Papa dahil matalino ka pero saka mo na muna isipin yun. Magpahinga ka muna at magrelax. Kami ang bahala sa’yo ni Sam.’’
“Matagal na akong nagpapahinga, Aya, ha-ha-ha!â€
“Hayaan mo na muna kami ni Sam.’’
“Ikaw ang bahala, Aya.’’
“Gusto ko, guwapung-guwapo ka sa kasal na-min ni Sam.’’
“Kasama ba talaga ako sa kasal, n’yo baka…’’
“Kasama ka dahil ikaw ang maghahatid sa akin. Sino ba ang maghahatid sa akin kundi ikaw.’’
“Sinorpresa mo ako Aya.’’
“Basta magrelaks ka rito sa condo. Lagi kitang dadalawin. At saka hindi ka malulungkot dito dahil nasa kabila lang ang unit ni Sam.’’
“Talaga?â€
“Kinuha namin ito after na umalis sa apartment sa Dapitan na pinatirhan mo sa amin, remember?â€
“Ah oo. Natatandaan ko.’’
“Naisip namin ni Sam na magkaroon ng sariling bahay. Nabili namin ang mga unit mula sa perang pamana ni Mama.’’
“Marami pala talagang perang pamana si Mama Brenda mo. Hindi ka niya pinabayaan. Sinikap niyang mabigyan ka nang magandang buhay…’’
“Opo. Kaya pala kahit anong pilit ko sa kanya, ay ayaw niyang hiwalayan ang ka-live-in ay dahil nag-iipon siya ng pera para sa aming dalawa ni Sam. Kahit nasa panganib na siya, hindi natakot.’’
“Nakakahanga ang mama mo. Hanggang sa huling sandali ay ang kaÂpakanan mo ang iniisip. Lalo tuloy akong nakakadama ng pagkapahiya. Mahina akong klase. Hindi ko siya naipaglaban noon sa’yong lola.’’
“Kalimutan mo ang mga nangyari noon Papa. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Mas mahalaga ang ngayon Papa at hindi pa huli para tayo magsaya sa muli nating pagkikita.’’
“Tama ka, Aya. Matatag ka talaga. Wala kang pinagkaiba sa mama mo na matapang at handang makipagsagupa sa laban ng buhay…â€
“Salamat Papa.’’
“Sana naman yung isang taong pinagkasalahan ko ay mapatawad din ako.’’
Tiningnan ni Aya ang ama. Seryoso ito. Nakikita sa mukha ang katotohanan sa sinasabi.
ISANG araw, niyaya ni Aya at Sam si Dra. Sophia na kumain sa labas. Blowout nila. Noon ay palapit nang palapit ang kasal ng dalawa.
Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Aya nang may sabihin kay Doktora.
“Tita, mapapatawad mo pa ba si Papa?’’
Hindi nakakibo si Doktora.
(Itutuloy)
- Latest