Halimuyak ni Aya (421)
“BAKIT Tita Sophia ang tawag mo sa kanya, Aya?†nagtatakang tanong ni Doc Paolo.
“Sa kanyang bahay na ako nakatira, Papa. Siya na ang tinuturing kong ina…’’
Nakamaang si Doc Paolo. Hindi niya maintindihan. Paanong nangyari iyon?
“Hindi ko maintindihan, Aya. Binibiro mo ba ako?â€
“Hindi Papa.’’
“Bakit sa kanya ka nakatira?â€
Ikinuwento ni Aya ang mga nangyari. Sinabi niyang si Dra. Sophia ay propesor ni Sam noong nag-aaral pa ng Medisina. Nagkakilala sila at di kalaunan ay nagpakilala na rin siya rito. Pinagtapat niya ang lahat kay Dra. Sophia. Nalaman niya ang nangyari sa kanilang relasyon.
“Galit na galit ba sa akin si Sophia, Aya? Alam ko, malaki ang kasalanan ko sa kanya. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya.’’
“Ikinuwento niya ang lahat nang nangyari sa inyo, Papa. Wala raw kasi siyang kakayahan na bigyan ka niya ng anak kaya mo siya iniwan. Masakit daw ang nangyari sa kanya pero natanggap agad niya.’’
“Pinagsisihan ko na ang ginawa ko. Masyado ko siyang kinawawa. Huli na nang maisip ko na mali ang ginawa ko. Hindi ko siya dapat inapi at iniwan.’’
“Awang-awa ako sa kanya Papa. Napakabait pala ni Tita Sophia. Parang si Mama siya.’’
“Mapatawad pa kaya niya ako, Aya?’’
Hindi nakapagsalita si Aya.
“Sana, mapatawad niya ako. Katulad mo rin sana siya na madaling nagÂpaÂtawad.’’
“Hayaan mo Papa at tutulungan kita. Saka na muna natin isipin ang proÂblemang iyan. Ngayong magkasama na tayo, sa condo ko na ikaw titira. Masisiyahan ka roon. Bibisitahin naman kita nang madalas…’’
Isinama ni Aya si Doc Paolo sa kanyang condo.
“Mula ngayon, dito ka na titira, Papa.’’
“Salamat, Aya.â€
(Itutuloy)
- Latest