^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (419)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAPAPATAWAD mo ba ako, Aya?” tanong ni Doc Paolo.

Napatungo si Aya. Umiyak ng tahimik. Pero pagkaraan ay agad pinahid ang luha. Tumingin sa ama.

“Noon sabi ko, hindi na kita gustong makita. Marami kang pagkukulang sa akin. Umasa ako na tayo ang magkakasama pero mas pinili mo pa ang lumayo at sumama sa ibang babae, pero kanina nang makita kita, nadurog ang puso ko. Hindi pala kita kayang kapootan o kagalitan. Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang ama ko…’’

May tumulong luha sa mga mata ni Aya. Pero maagap niyang napahid ng palad.

Kumilos si Doc Paolo at tinapik-tapik sa balikat si Aya.

“Salamat Aya. Sabi ko na nga ba at hindi mo ako kayang tiisin. Alam ko, mapapatawad mo ako. Salamat anak.’’

Inayos ni Aya ang sarili.

“Kumain muna tayo Papa. Lalamig ang sabaw.’’

“Sige. Miss na miss ko na nga itong tinola.’’

“Namayat ka Papa. Pero guwapo pa rin.’’

“Dahil sa pag-iisip. Pero ngayong nagkita na tayo, tataba na ako.’’

“Kailan ka nga ba duma-ting Papa?”

“One week na ngayon.’’

“Saan ka tumuloy pagga-ling sa airport?”

“Hotel.’’

“Sa condo ko ikaw tumira.’’

“Sure Anak.’’

“So wala ka nang kontak sa babaing nanloko sa’yo?”

“Wala na. Hindi ko na nga alam ang nangyari sa babaing yun. Kasi ilang araw makaraang matuklasan ko ang kataksilan, umalis na agad ako. Wala na akong inaksayang panahon. Pumunta ako ng airport at lumipad patungo rito. Ikaw ang una kong hinanap.’’

“Paano mo nga pala nalaman ang pinagtatrabahuhan ko, Papa?”

Napangiti si Doc Paolo. “Secret!” sabi nito.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

ALAM

AYA

DAHIL

DOC PAOLO

PERO

SALAMAT AYA

SURE ANAK

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with