^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (398)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

INILATAG ni Julia ang katawan sa kama. Basa pa ang kanyang buhok. Hindi naman siya matutulog. Gusto lang niyang ipahinga ang katawan. Gusto niyang irelax habang hinihintay ang pagdating ni Sam. Dito na niya sa kama hihintayin si Sam. Parating na si Sam. Nang tumawag kanina ay sinabing paalis na siya sa tirahan. Baka nga nasa elevator na ito ng condo. Sigurado siya na sabik na sabilk na si Sam. Dalawang beses din silang nagkasarilinan noon pero hindi natuloy. Lalo lamang nag-alab ang kanilang damdamin. Nung huli silang magkasarilinan akala niya ay matutuloy na, pero biglang may tumawag sa phone. Nauntol tuloy! Bitin siya. At siguro ay ganun din si Sam. Kaya tiyak na umaatikabong “labanan” ang mangyayari mamaya. Tahimik na nagtawa si Julia­. Tagumpay siya! Nagawa niyang maagaw si Sam sa kontrabidang si Aya!

Patuloy pang nag-ima­gine si Aya sa mga maa­aring mangyari sa kanila ni Sam. Siyempre kapag may nangyari sa kanila ni Sam, pakakasal sila. Hindi na makakaatras si Sam dahil napakialaman na siya. Kapag asawa na siya ni Sam, pipilitin niya itong magtungo sila sa Canada. Madali na lang silang makapunta roon dahil ang kanyang pinagtatrabahuhang ahensiya ang nagpoproseso ng mga papeles patungong ibang bansa. Madali silang makapunta roon. Ayaw niya rito sa Pilipinas manirahan dahil maliit ang oportunidad na yumaman. Sa Canada o kaya ay Australia, malaki ang pag-asa. Sasabihin niya kay Sam na mas gaganda ang buhay nila. Pero ang isang mabigat na dahilan kaya gusto niyang manirahan sa ibang bansa ay para mapalayo si Sam kay Aya. Baka duma­ting ang araw na magkabalikan sila. At saka baka ma­buking ang lihim na “pinatrabaho” niya kay George si Aya kaya sila nagka-break.

Napatawa uli ng lihim si Julia. Malapit nang mangyari ang mga iniimadyin niya.

Hanggang sa makaramdam ng antok si Julia. Nila­labanan niya pero mabigat na mabigat ang talukap ng kanyang mga mata. Mahirap pigilan. Talagang nakakaantok kapag bagong paligo. Parang idinuduyan ang pakiramdam ni Julia.

Hanggang sa tuluyan nang pumikit ang kanyang mga mata.

Nang inaakala nang tulog na tulog si Julia. Lumabas ang may-ari ng dalawang mata na kanina pa nakatingin kay Julia. Dahan-dahan siyang lumabas sa pinagkukublihan. Pinagmasdan ang hubad na katawan ni Julia na nakalatag sa kama. Sarap na sarap sa pagtulog.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

HANGGANG

JULIA

MADALI

NANG

NIYA

SA CANADA

SAM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with