^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (372)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PROBLEMADO si George kung paano uumpisahan ang pagdiskarte kay Aya. Ikalawang araw na niya itong pagsubaybay kay Aya at wala pa siyang ma-isip na paraan kung paano makakalapit. Mahirap pala. Yung mga naiisip niya ay pawang sa komiks lang nangyayari. Mahirap sa tunay na buhay. Mabuti sana kung biglang umulan at aalukin niyang sumakay si Aya. Pero gaano siya katiyak na sasakay si Aya. Pagbintangan pa siyang kidnaper. Mahuli pa siya ng mga pulis. Problema pang malaki.

Umuwi si George na wa­lang nangyari sa pinatatrabaho ni Julia. Pagdating sa bahay, ang problema pa ring iyon ang iniisip niya. Bigla-bigla siyang nagkaroon ng problema gayung masarap ang buhay niya. Nagkamali yata siya sa pagtanggap ng “trabaho” kay Julia. At saka isa pa, hindi naman talaga niya linya ang manligaw sa babae. Babae nga ang naghahabol sa kanya. Kumuha ng mamahaling alak sa kanyang mini-bar si George. Nagsalin sa baso. Tumungga. Mainit ang daloy sa kanyang lalamunan pero suwabe. Ganito ang ginagawa niya kapag may problemang mahirap lutasin. Wala naman siyang kasama sa kanyang unit sa condo kaya maaari niyang gawin ang gusto. Solo siyang namumuhay.

Nagsalin pa si George. Tinungga uli. Sarap!

Naaalala niya si Julia. Kaya pala naging mabait sa kanya ay mayroong ipatatrabaho. Gulat na gulat talaga siya. Seryoso nang kausapin siya. Gagantihan pala si Aya. At ang kapalit kapag nagawa na ang pi-natatrabaho ay ang “katawan” niya.

Napangiti si George. Ini-imagine lang niya noon si Julia. Kapag nagdadaan siya sa table nito ay nginitian niya pero tipong supladita. Pero kahit na ganoon, iniimadyin niyang katalik ito. Hubad si Julia at pinaliliguan niya ng halik. Ang tipo ni Julia ang gusto niyang makatalik. Gusto niya ay may pagkalandi.

Napangiti uli si George. Mangyayari lang ang pakikipagtalik niya kay Julia kapag nagawa ang pinatatrabaho nito.

 

KINABUKASAN, nag-abang uli si George kay Aya. Pero talagang hindi siya makatiyempo. Nakita niya na may kasama si Aya. Guwapong lalaki. Iyon siguro ang siyota ni Aya na gustong maagaw ni Julia. Mababaliw nga si Julia dahil guwapo talaga.

(Itutuloy)

AYA

GEORGE

JULIA

MAHIRAP

NAGSALIN

NAPANGITI

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with