Halimuyak ni Aya (358)
Natatangay na si Sam sa ginagawa ni Julia. Nagliliyab na ang katawan niya. Hindi niya inaasahan na ganito ang gagawin ni Julia. Marami nang alam si Julia. Sanay na sanay na. Saan natuto si Julia ng mga ganitong karahas na gawain?
“I love you Sam,†sabi ni Julia. Pabulong ang pagÂkakasabi sa kanya. Wala naman siyang masabi o maisagot man lang kay Julia. Ano ba ang saÂsabihin niya sa babaing ito na nagbibigay ng kakaibang init sa kanyang katawan? Parang “lumpiang sariwa†si Julia na ngayon ay handa nang kainin. Mas masarap pa yata sa “lumpiang sariwa†si Julia.
NANG mga sandali naÂmang iyon ay nakatulog na sa sopa si Aya. Nakatulog siya habang naghihintay kay Sam. Nasa mesa ang kanyang mga inihandang pagkain para kay Sam. Nakapatong din sa mesa ang biÂnili niyang regalo.
Kanina, habang hinihiwa niya ang luyang ilalagay sa tinola ay nahiwa rin ang kanyang daliri. Dumugo. Masakit. Maantak. Agad niyang sinabon ang bahaging nasugatan. Kay Sam din niya nalaman na kapag nasugatan ay hugasan ng malinis na tubig at saka sabunin para maiwasang maimpeksiyon. Pagkaraang mahugasan ay patuloy pa rin ang pagdaloy ng dugo. Kumuha siya ng bulak at hinanap ang botelya ng antiseptic. Nilagyan ng antiseptic ang bulak at pinahiran ang sugat. Lalong humapdi. Pero tiniis niya. Matitiis niya ang hapdi kaysa naman maimpeksiyon at madaÂmay ang buong daliri. Sabi ni Sam, huwag daw ipagwawalambahala ang maliit na sugat sapagkat maaari itong lumaki at magdulot ng problema.
Makaraang lagyan ng antiseptic ang sugat ay nilagyan niya ng band-aid. Naampat din ang dugo. Nawala ang sakit.
Nakatulog nga si Aya habang naghihintay kay Sam. Naisip din naman niya kanina na baka nagrerebyu pa si Sam. O baka naman nagdaan sa bookstore at may biniling reviewer. O baka naman, nagtungo ito sa Quiapo --- doon sa Raon St. para siya ibili ng lumpiang sariwa. Alam ni Sam na paborito niya ang lumpiang sariwa. Ilang beses na ring nagtungo si Sam sa Raon para siya ibili ng lumpiang sariwa.
Ang mga isipin na iyon ang nakatulugan ni Aya. Nahimbing siya sa pagkakatulog sa sopa.
“HALIKA sa kuwarto, Sam,†sabi ni Julia.
Napalunok si Sam. Katakam-takam si Julia. Mas masarap pa marahil sa “lumpiang sariwaâ€. Hindi niya kayang tanggihan ang katakam-takam na lumpia.
Tao lamang siya. Mahina sa tukso.
Sumunod siya kay Julia sa bedroom nito. Inilatag ni Julia ang katawan sa malambot na kama.
Humiga siya sa tabi ni Julia. Niyakap siya ni Julia. Ginantihan din niya ng yakap. Nagdait ang kanilang mga labi. Kapwa na sila nagliliyab. Kapwa natutupok.
(Itutuloy)
- Latest