Halimuyak ni Aya Ronnie M. Halos (352)

“NAHIHILO ka pa, Julia?” tanong ni Sam nang kumilos si Julia. Nasa Espana Blvd. na sila.

“Medyo. Don’t worry Sam, I’m okey.’’

“Good. Malapit na ba ritong residence mo?”

“Dun pa. Pagdating sa Welcome Rotunda, kakaliwa sa Mayon St. Yung bagong tayo na condo roon. Madaling makita yun, Sam.’’

“Okey sige. Relaks ka na lang. Medyo ihilig mo ang ulo sa upuan.’’

Pumikit si Julia. Napagtuunan ni Sam ang malulusog na suso ni Julia. Habang tumatakbo ang taxi ay umaalog ang mga suso ni Julia. Noong high school sila ay hindi naman ganito kalaki ang mga suso ni Julia. Flat ang dibdib ni Julia noon. Hindi naman siguro nagpaineksiyon si Julia para lumusog ang mga suso. Maganda ang porma ng mga suso ni Julia at hindi naman siguro ganito ang niretoke ng mga doctor.

Napansin ni Sam na malapit na sila sa Welcome Rotunda. Natanaw na niya ang landmark. Ang rotunda ang boundary ng Manila at Quezon City. Nag-u-turn ang taxi ilang metro ang layo sa Welcome at saka kuma-nan sa Mayon St. Ilang minuto lang ay natanaw na ni Sam ang isang bagong gawang condo. Doon nakatira si Julia.

“Julia!” Tinapik niya si Julia.

Kumilos si Julia. Nagmulat.

“Yun ba ang condo na tirahan mo? Yung green ang kulay?”

“Oo. Yung sunod na gate ang entrance.”

Sinabi ni Sam sa drayber na pumasok sa gate. Nang nasa loob na ay dumaan sa guard house at nagbigay ng ID ang taxi driver. Umarangkada ang driver.

“Dun sa kaliwa,” sabi ni Julia.

Tinungo ng driver ang tinuro ni Julia.

“Diyan na lang po.”

Itinigil ng drayber.

“Magkano?” Tanong ni Sam.

Sinabi ng driver. Kukuha ng pera si Julia pero mabilis na naka-dukot si Sam. Iniabot sa driver.

“Huwag mo nang suklian.’’

Binuksan ni Sam ang pinto at lumabas. Inalalayan si Julia paglabas. Makaraang lumabas ay umalis na ang taxi.

“Okey ka lang, Julia. Dahan-dahan lang.’’

“Okey na ako, Sam.’’

“Saan ba ang entrance patungo sa unit mo?”

“Dun. Yung nasa malapit sa internet café shop.’’

Tinungo nila. Inalalayan ni Sam si Julia.

 

NANG mga sanda-ling iyon ay dumating na si Aya sa unit niya. May dala siyang regalo para kay Sam. Sosorpresahin niya ito.

Pero pagdating niya sa unit nito ay sarado pa. Mayroon siyang susi kaya binuksan niya.

Nagtataka siya kung bakit wala pa. Ang alam niya, alas tres ang tapos nito sa review center.

(Itutuloy)

Show comments