^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (351)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

“OKEY ka lang, Julia?” tanong ni Sam habang inaalalayan ito papalabas ng restaurant.

“Nahihilo pa rin ako Sam.’’

“Hindi mo kaya? Dalhin na kita sa ospital?”

“Huwag na. Mawa­wala rin siguro ito. Baka masyado lang akong na-stress.”

“Pero huwag mong iwawalambahala yan. Maraming dahilan kung bakit nahihilo. Baka, mataas ang blood pressure mo.’’

“Hindi naman siguro mataas ang BP ko, Sam.’’

“So okey ka lang?”

“Puwede pakihatid mo ako sa condo ko. Baka kasi mahilo ako habang nasa sasakyan. Parang hindi ako makatayo na walang alalay.’’

Napalunok si Sam. Naalala niya si Aya. Baka hinihintay siya nito. Nasabi niyang alas singko ng hapon ang dating niya sa bahay. Pero paano naman niya iiwan si Julia na nasa kalagayang kailangang tulungan dahil may nararamdaman. Sa katulad niyang ang hinaharap na propesyon ay magligtas ng buhay ng kapwa, hindi niya maaatim na iwan si Julia. Kapag may nangyari kay Julia, malaking dalahin sa konsensiya. Halimbawang bumagsak si Julia at tumama ang ulo sa semento o gutter, tiyak na siya ang sisisihin dahil siya ang huling kasama. Hindi dapat pabayaan ang isang may nararamdaman.

“Sige, okey lang. Tatawag ako ng taxi. Pero sa palagay mo, hindi kita dapat dalahin sa ospital para malaman ang dahilan ng pagkahilo mo?”

“No need na, Sam. Basta ihatid mo na lang ako sa condo ko at tatanawin kong ma-laking utang na loob, please.’’

Nabagbag ang ka­looban ni Sam.

Isang taxi na walang pasahero ang kinawa-yan niya. Lumapit ang taxi. Binuksan ni Sam ang pintuan sa hulihan. Inalalayan si Julia.

“Dahan-dahan lang, Julia…”

Nang makapasok si Julia ay siya naman ang pumasok.

“Saan nga bang residence mo, Julia?”

“Mayon St. Malapit sa Welcome Rotunda.’’

Sinabi ni Sam ang address sa driver. Su-mibad ang taxi patu-ngong Espana St.

Habang tumatakbo ang taxi ay si Aya ang iniisip ni Sam. Pasado alas singko na. Maaa-ring nasa bahay na si Aya.

Tiningnan ni Sam si Julia. Nakapikit si Julia. Napagmasdan niya ang mga lips ni Julia. Nakabuka. Nahalikan na niya ang mga labing iyon noon nang mapag-isa sila sa bahay ng kapatid nito sa Sulucan.

Napagmasdan din niya ang bahaging dibdib ni Julia. Malaki ang uka ng blusa ni Julia at nasisilip ang malulusog na “papaya”. Binawi niya ang pagkakatingin nang kumilos si Julia.

(Itutuloy)

AYA

ESPANA ST.

JULIA

MAYON ST. MALAPIT

NAPAGMASDAN

NIYA

PERO

SAM

WELCOME ROTUNDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with