^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (347)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PERO may pangamba pa rin si Aya kahit na plantsado na ang ka­nilang planong pagpapakasal ni Sam.

“Kinakabahan ako Sam. Ewan ko kung ba­kit. Basta mayroon akong nararamdamang kaka-iba habang papalapit ang balak nating pagpapa-kasal.’’

“Baka naman iniisip mo ang iyong papa. Kasi’y noong nagpunta tayo kay Dra. Sophia este Tita, e napaiyak ka pa nang makita ang portrait ng papa mo’’

“Hindi yun ang dahilan kaya ako napaiyak ‘no? Napaiyak ako dahil naawa ako kay Tita. Iniwan siya ni Papa dahil hindi sila magkaanak. Sapat bang dahilan yun para niya iwan si Tita? Kawawa talaga si Tita.’’

Nakatingin lang si Sam.

‘‘Hindi si Papa ang dahilan kaya ako kinakabahan, Sam.’’

‘‘E ano kaya ang dahilan?’’

“Hindi ko nga alam.’’

“Teka, baka naman iniisip mong hindi ako makakapasa sa board exam.’’

Nagtawa si Aya.

“Hindi. Ba’t ko naman iisipin yun. At saka sigurado naman ako na ma-kakapasa ka. Baka nga topnotcher ka.’’

‘‘Aba ano kaya ang dahilan at nagwo-worry  ka habang papalapit ang ating kasal? Baka naman mayroong ibang lalaking nagkakagusto sa’yo at guguluhin tayo sa oras ng kasal natin.’’

“Sira! Sino naman ang lalaking manggugulo sa atin e wala namang nanliligaw sa akin.’’

‘‘Si TJ. Di ba patay na patay sa’yo yun?’’

‘‘Wala na rito yun. Nasa Saudi na. Nasa oil company na raw.’’

“Ba’t mo alam?’’

“Facebook.’’

“E di mayroon pa kayong communication?’’

“Wala. Sinabi ko ang totoo sa kanya na   magsiyota tayo. Sabi ko, huwag na siyang magpumilit dahil ako ay pag-aari na ng isang lalaki --- at ikaw yun.’’

Napangiti si Sam. Nawala ang nadarama niyang selos kay TJ. Talagang siya lamang ang mahal ni Aya.

‘‘E bakit kaya kinaka-bahan ka Aya?’’

“Baka merong baba- ing magkakagusto sa’yo  at aagawin ka sa akin.’’

Nagtawa lamang si Sam.

 

HAPON. Galing si Sam sa review center. Ipinasya niyang dumaan sa isang sikat na restaurant sa Morayta para ibili ng paboritong pagkain si Aya.

Pero hindi pa siya nakakarating sa sikat na restaurant ay mayroong babaing tumawag sa kanya.

“Sam! Sam!”

Nang lingunin niya ang tumawag ay nakilala niyang si Julia. Ang da-ting kaklase noong high school na malaki ang pagkagusto sa kanya. Naalala niya ang paghahalikan nila sa bahay nito sa Sulucan.

Nilapitan siya ni Julia.

‘‘Sam, kumusta, I miss you so much !’’

“Hindi kita nakilala, Julia.’’

“Ako rin, hindi agad kita nakilala. Tinitigan muna kita bago tinawag. Lalo lang gumuwapo, Sam.’’

(Itutuloy)

AKO

AYA

JULIA

NAGTAWA

NASA SAUDI

SAM

TITA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with