Halimuyak ni Aya (345)
“WALA na akong balita ngayon kung nasaan na ang dati kong asawa. Ang huli kong balita ay nasa US siya. Hindi ko na alam kung ano ang latest sa kanya ngayon. Wish ko na okey naman siya,†sabi ni Dr. Sophia at niyaya ang dalawa sa dining room para kumain. “Halina na kayo at pagsaluhan ang pagkaing dala n’yo nagutom ako sa haba ng ikinuwento.’’
Nagtungo sila sa dining room. Nakahanda na ang mesa. Maraming pagkain. Bukod sa dala nila, nagluto pa ang cook ni Doktora.
“Kumain na tayo,â€â€™ anyaya ni Doktora.
Naupo sina Sam at Aya. Niyaya naman ni Doktora ang mga kasama sa bahay na kumain na rin.
Dumating sina Jaime at ang dalawa pang maid.
“Halina kayo, Jaime. Maupo na kayo,’’ anyaya ni Doktora. Naupo sina Jaime sa dulo ng mesa. Nginitian ni Sam si Jaime.
Maya-maya. Tumayo si Sam hawak ang kanyang i-Phone. Kukunan ng picture ang mga kumakain.
“Tingin po kayo. Smile,â€â€™ sabi ni Sam at pumindot. “Isa pa po. Smile,â€â€™ pinindot. Pagkatapos ay nilapitan si Jaime at ito naman ang pinakuha niya. Si Sam ay nagbalik sa upuan niya.
“Smile po,†sabi ni Jaime. ‘‘Okey, one, two, three...’’ at saka pinindot.
Nagtawanan sina Sam pagkatapos ng photo-ops.
Habang kumakain ay walang tigil ang kanilang pagkukuwentuhan. Pero hindi na ang mga nakaraan ang binabalikan kundi ang mangyayari sa hinaharap.
“Palagay ko magiging sikat na doktor si Sam,†sabi ni Dra. Sophia.
“Sana nga po Tita. Sisikapin ko po.’’
“Nakikita ko, may nagÂhihintay sa iyong magandang opportunity sa hinaÂharap. Maniwala ka sa akin, Sam.’’
“Salamat po Tita. Lalo pa po akong magsisikap para maging mahusay na manggagamot.’’
“Ituloy mo lang ang pagiging disiplinado, mapagkumbaba at matutupad ang lahat.’’
“Salamat po uli.’’
“Ako po Tita, ano po ang nakikita mo sa akin, he-he-he!’’
“Nakikita ko na magiging mabuti kang ina at asawa ni Sam. Alam ko mahal na mahal mo si Sam.’’
“Totoo po yan Tita.’’
“Wish ko ang walang hanggan ninyong pagsasama.’’
Masayang-masaya sila.
TINUPAD ni Sam ang pangako kay Doktora. Nagsikap pa siya sa pag-aaral. Nanguna sa klase. Maraming humanga.
Hanggang sa dumating ang pagtatapos niya ng Medisina.
(Itutuloy)
- Latest