Halimuyak ni Aya (340)
NAKIPAGBESO-BESO si Aya kay Doktora Sophia.
“Alam mo, narinig ko na ang pangalang “Aya†pero hindi ko maalala kung saan at kanino ko narinig. Tumatanda na nga siguro ako. Anyway, salamat at pinagsama ka ni Sam, Aya. Madadagdagan ang mga kakilala at kaibigan ko,†sabi ni Doktora na halatang mainit na mainit ang pagtanggap kay Aya. “Maupo kayo,†anyaya sa dalawa. Naupo sina Sam at Aya. Naupo rin si Doktora.
“Mabuti naman at naisipan mong isama si Aya rito, Sam,†sabi ni Doktora na nakatingin kay Aya.
“Gusto ka rin daw po niyang makilala. Lagi ko po ikaw ikinukuwento sa kanya. Sabi ko, isa ka sa pinaka-mahusay na Medicine professor.’’
“Salamat na naman sa pambobola, ha-ha-ha!’’
Nagtawanan silang tatlo.
‘‘Siguro kung nagtuturo pa ako, mataas ang ibibigay kong grade sa’yo Sam. Kasi mahusay kang mambola at manipsip.â€
Tawanan uli.
Napatingin muli si Doktora kay Aya. Napansin ni Aya na titig na titig sa kanya si Doktora.
“Matagal na ba kayong magkasintahan?â€
Si Sam ang sumagot, “Months pa lang po pero matagal na kaming magkaÂkilala ni Aya.’’
“Hindi ka agad nakapagtapat sa kanya, ganun ba?’’
“Ganon nga po. MahiÂyain po kasi ako.’’
Napangiti muli si Doktora at tumingin muli kay Aya. Nagtataka si Aya kung bakit titig na titig si Doktora sa kanya. Para bang mayroon itong naalala. Ganun ang pakiramdam ni Aya.
“Ano ang tunay mong pa-ngalan, Aya?’’ tanong ni DoktoÂra pagkaraang titigan si Aya.
“Maraiah po.’’
Lalong napatitig sa kanÂya si Doktora. Pero agad din nitong binawi. Kinabahan naman si Aya.
(Itutuloy)
- Latest