Halimuyak ni Aya (325)
“HANGGANG dito na lang ba tayo Sam,†sabing muli ni Aya at kasunod niyon ay ang pagtulo ng luha. Parang matagal nang kinikimkim ni
Aya ang mga salitang inilabas. At nang mailabas ay saka naman lumuha. Parang isang tagumpay para sa kanya ang pagpapakawala ng damdamin na matagal nang kinimkim.
Para kay Sam, iyon na ang pagkakataong hinihintay niya at hindi na niya hahayaan pang makawala. Iyon na ang tamang pagkakataon para malaman ni Aya ang tunay na damdamin niya para rito.
“Hindi hanggang dito na lang tayo, Aya. Noon pa, mahal na kita. Mahal na mahal…walang katulad.â€
Nang marinig iyon ni Aya, para itong ipinako sa pagkakaupo. Siya naman ang hindi makapaniwala sa narinig kay Sam. Totoo ba ang narinig niya na mahal siya nito at noon pa. Ibig sabihin matagal na ring may kinikimkim si Sam. Ngayon din lang nilabas.
“Sam, totoo ba?â€
“Ngayong nagsasabi na ako, ayaw mong maniwala.’’
“Kasi puro ka biro.’’
“Ba’t naman ako magbibiro? Nang tanungin mo ba ako kanina kung hanggang dito na lang tayo, nagbibiro ka?â€
“Hindi.’’
“O di hindi ako nagbibiro sa pagsasabing mahal kita.’’
Hindi inaasahan ni Sam ang pag-iyak ni Aya. Kung kanina ay dalawang butil lamang ng luha ang nakita niyang gumulong, ngayon ay masaganang luha na ang umaagos. Pero iyon ay luha ng kaligayahan.
Pinisil ni Sam ang palad ni Aya.
“Ang lamig ng palad mo.’’
“Kasi’y binigla mo ako.’’
“Ako nga ang binigla mo. Kung kailan ako maysakit saka mo ako tinanong ng hindi inaasahan.’’
Umirap si Aya. Pagkaraan ay pinahid ang luha.
“Ang galing ng timing mo no?’’ tanong ni Sam.
“Bakit naman?â€
“Kung kailan wala na akong maipagmamalaki sa’yo saka mo nilabas ang iyong sinasaloob.â€
Nagtawa si Aya.
“Bakit wala ka nang maipagmamalaki?â€
“Kasi’y nakita mo na ang kaluluwa ko. Yung itinatago ko, nasaliksik mo na.’’
Nagtawa si Aya.
“E di ba ako rin, nasaliksik mo na.’’
Hindi inaasahan ni Aya nang dahan-dahanin siyang hilahin ni Sam sa tabi nito at saka niyakap. Hinalikan sa pisngi. Hanggang sa may leeg at tay-nga. Napakabango ni Aya. Nasasamyo na niya ang inaasam na halimuyak.
Dumako siya sa manipis na labi ni Aya. Unang pagkakataon na naidampi niya ang labi sa labi ni Aya.
“Sam…’’
(Itutuloy)
- Latest