Halimuyak ni Aya (316)
“ANG alam ko, batay sa kuwento ni Lolo Ado ay anak ako ng isang Saudi, ganun lang. Hindi ko alam na malalim pala ang kuwento. Kusa palang pinagkaloob ni Mama ang sarili sa ama kong Saudi…’’
“Parang kuwento sa teleserye ano? Ano kaya at may magkagustong prodÂyuser sa kuwento ng mama mo? Dyok lang!â€
“Pangteleserye talaga Aya. Tama ka. Akalain mo, nabuntis ng among Saudi ang kanyang Pinay na katulong at pagkatapos ay sinikap naman nitong buhayin ang pinagbubuntis. Kung sa iba, sa bigat ng problema at depression ay baka inilaglag ang pinagbubuntis. Kung ginawa iyon ni Mama, wala ako ngayon di ba?â€
“Wala sanang guwapo na kaharap ako ngayon, he-he-he!â€
“Kaya alam mo, makaraan kong basahin ang sulat, hindi man lang ako nakadama ng suklam kay Mama dahil pumatol siya sa amo. Kahit pa sabihing “kinati†siya ng mga panahong yun. Basta mahal ko pa rin siya at lalo akong nasabik sa kanya makaraan kong mabasa ang sulat ni Aling Imelda.â€
“Ano bang itsura ni Mama Cristy, Sam?â€
“Ah teka, meron akong nakitang picture niya rito…â€
Hinalungkat muli ni Sam ang mga sulat at iba pang dokumento. Nakita niya ang hinahanap na picture.
“Ito si Mama, Aya!’’
“Ang ganda pala niya. Matutukso nga ang Arabo sa kanya,’’ sabi ni Aya.
Binasa ni Sam ang nakasulat sa likod ng picture. Kuha raw iyon sa Diriyah Palace, Riyadh noong 1987.
“Ayon kay Lolo, maÂraming pinadalang picture si Mama noong mag-DH siya.’’
“E nasaan na kaya ang asawa ni Mama Cristy. Yung si Philipp?†tanong ni Aya.
“Hindi ko alam. Maski si Lolo ay wala ring gaanong naikuwento ukol sa asawa ni Mama. Parang ayaw nang pag-usapan ni Lolo at Lola ang tungkol sa kanilang manugang. SiÂguro’y dahil nalaman na rin ng lalaki na nagtaksil si Mama at nahihiya sina Lolo.’’
“E si Aling Imelda, paÂano kaya natin makikita?â€
“Iyan nga ang iniisip ko, Aya.â€
“I-try ko sa Facebook.’’
“Sige. Bakasakali. Gusto ko may malaman pa ukol kay Mama.’’
(Itutuloy)
- Latest