^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (312)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GALING ang sulat sa isang nagngangalang IMELDA. Naalala ni Sam, si IMELDA ay ang kaibigan ng kan­­yang mama na si CRISTY. Parehong DH sa Riyadh ang kanyang mama at si Imelda. Ikinuwento iyon ni Lolo Ado sa kanya. Ipinagtapat ang kanyang buong pagkatao na anak siya ng isang Saudi. Saudi ang tawag sa mamamayan ng Saudi Arabia kung saan nagtrabaho bilang DH ang kanyang mama. Pero kahit ipinagtapat, hindi pa rin ganap na malinaw kay Sam ang kuwento ni Lolo Ado kaya naging interesado siya sa sulat ni IMELDA.

Binasa niya.    

“Dear Cristy, sana ay nasa mabuti kang kondis­yon. Kung ako naman ang tatanungin mo ay maayos naman ang kalagayan ko. Kahit na naaatrasado ang aking suweldo ay pinagtitiyagaan ko. Kung hindi ko pagtitiyagaan ay walang mangyayari sa aking buhay at saka ako lang ang inaasahan ng aking pamilya. Yung asawa ko e wala namang bayag para siya ang magtrabaho rito sa Riyadh.

“Kumusta na ang kalagayan mo? Siguro ay halata na ang tiyan mo ano? Isang buwan ka na rin diyan ano? Sayang at hindi na kita napuntahan sa Embassy. Ang layo kasi at saka isa pa, hindi ako makaalis dito sa bahay. Masungit na naman ang amo kong babae. Palagay ko naglilihi na naman. Hindi ka ba nahirapan sa pag-uwi? Mula nang magtungo ka sa Embassy ay lagi kong naaalala ang kalagayan mo. Wala lang talaga akong maitulong sa iyo dahil alam mo rin naman ang kalagayan ko rito.

“Alam mo kapag nagtatapon ako ng basura ay tinatanaw ko ang dati mong pinaglilingkurang bahay. Di ba kaya naman tayo nagkakilala ay dahil sabay tayong nagtatapon ng basura sa malaking garbage box. Naalala ko nang una tayong magkita. Tinanong mo ako kung taga-saan ako at kung ilang taon nang DH dito. Mas nauna lang ako ng isang buwan sa’yo rito sa Riyadh. Nagtanong ka pa nga sa akin ng ilang salitang Arabic. Sabi ko sa’yo madali kang matututo.

“Siyanga pala, natatandaan ko ang sinabi mo sa akin noon nang minsang magkuwentuhan tayo. Sabi mo, madalas na nakatingin sa’yo ang tinedyer na anak na lalaki ng iyong amo. Sabi mo baka may kursunada sa’yo. Di ba binalaan kita na huwag kang magbibigay ng motibo o kaya makikipag­lapit. Ibang klase ang mga tinedyer dito. Mga tarantado.

“Naalala ko pa sabi mo minsang bagong paligo ka e palaging nakasubaybay sa’yo ang anak ng amo mo. Naku di ba binalaan kita na huwag magpapakita ng anumang makapagbibigay ng motibo at siguradong sasagpangin ka!

“Pero sabi mo ay mabait naman ang tinedyer na si Abdullah. Sabi mo pa ay baka natutuwa lang sa’yo. Naku, delikado. Mahirap na. May asawa ka pa naman at baka kung ano ang mangyari. Ang mga tinedyer dito ay naghahanap nang mapapagpraktisan…

‘‘Di ba sinabi ko na   sa’yo, na sabik ang mga la-laking Saudi sa babae. Hindi kasi basta-basta makapag-aasawa rito. Kailangang magbigay ng dowry ang la­ laki. At sa pagkakaalam ko, walang mga pokpok dito na maaaring pagparausan ng mga Saudi. Kaya ang napagbabalingan ng mga manyakis lalo ang mga tinedyer ay ang kanilang mga katulong sa bahay. Kapag sinisingga ng kalibugan ang mga tinedyer, ang ka­nilang maid ang kanilang pinagpapraktisan.

“Kaya nga pinayuhan  kita noon pa na huwag magpapakita ng motibo sa mga amo mo. Kapag tinigasan ang mga yun, maghahanap ng mapapasukan. Sana naniwala ka sa akin, Cristy. Hindi naman ako nagkulang ng paalala sa’yo.

(Itutuloy)

AKO

LOLO ADO

NAALALA

NAMAN

RIYADH

SABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with