Halimuyak ni Aya (310)
SHOCK naman si Aya nang tawagan ni Sam at ibinalita ang pagkamatay ni Lolo Ado. Nasa trabaho si Aya ng mga oras na iyon. Napaiyak si Aya.
“Uuwi tayo ngayon, Aya. Dadaanan uli kita sa work mo. Ako na ang kukuha ng damit mo sa condo.’’
“Oo Sam. Magpapaalam lang ako sa boss ko. Sam, relaks ka lang ha?â€
“Oo. Matagal ko nang naihanda ang sarili ko. Di ba sabi ko nga sa’yo parang may premonisyon na si Lolo noong iwan natin siya. Maski nung dalawin natin noong nakaraang buwan, kapansin-pansin na parang wala na siyang gana sa buhay.’’
“Naaawa ako kay Lolo, Sam.’’
Sabagay, matatahimik na siya dahil magkasama na sila ni Lola.’’
“Oo nga. Sige Sam, daanan mo ako rito. Anong oras ka dadaan?â€
“Paalis na ako rito sa school. Mga 30 minutes nariyan na ako.’’
“Okey.â€
Dumating sina Sam sa probinsiya ng alas dos ng hapon. Nasa morgue ang katawan ni Lolo.
Inayos nila ang mga papeles. Binayaran ang mga dapat bayaran. Isang oras pa ang nakalipas at kinuha ng funeral parlor ang bangkay ng matanda. Bago mag-alas singko naiayos na ang lahat. Handa nang paglamayan si Lolo Ado. Sa punerarya na pinagburulan kay Lola Cion din binurol si Lolo Ado.
Bago gumabi, dagsa na ang mga nakikiramay. May mga kamag-anak ni Lolo Ado at ganundin mga kamag-anak ni Lola Cion. Naroon din ang mga kabarangay nina Lolo.
Bawat isa ay nagbigay ng simpatya kay Sam. Mayroon pang nagbigay ng abuloy na isang kaugalian sa kanilang probinsiya. Kanya-kanyang tanong ang mga nakikiramay.
“Talaga bang natagpuan si Lolo Ado sa harap ng nitso ni Cion?†tanong ng isang matandang babae.
“Opo. Nakaupo siya sa silya.â€
“Kawawa naman. Siguro masyadong nalungkot sa pagkawala ni Cion,†sabi ng isa.
“Ayaw nilang magkahiwalay. Kasi ang tagal na nilang magkasama. Talagang ganyan ang mag-asawang nagmamahalan nang tunay. Ayaw nilang magkahiwalay kahit sa kamatayan,†sabi pa ng isa.
“Pero totoo bang kung anong petsa namatay si Cion ay ganundin si Ado?†Tanong ng isa pa.
“Opo. Namatay po si Lola ng Hunyo 24. Namatay po si Lolo ng Set. 24. Pareho rin po ng oras,†sagot ni Sam.
“Nakakahanga talaga. E kailan ba sila ililibing?â€
“Sa Linggo po.’’
“E may nakahanda na bang paglilibingan?â€
“Meron po. Nakahanda na po mula pa noong mamatay si Lola. Magkatabi sila.’’
DUMATING ang Linggo. Maayos na nailibing si Lolo Ado.
Hindi agad umalis sa memorial park sina Sam at Aya. Nakatingin sila sa dalawang magkatabing nitso.
“Magkasama na silang dalawa, Aya.’’
“Oo. Siguro, masayang-masaya sila saan man na-roroon.’’ (Itutuloy)
- Latest