^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (307)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI napilit nina Sam at Aya si Lolo Ado na ipagsama sa Maynila. Wala silang nagawa kundi igalang ang pasya ng ma­tanda. Pasya ni Sam, lagi na lang dadalawin ang matanda. Kung maaari, linggu-linggo ay narito siya. Sabi ni Aya, sasama siya kay Sam sa pagtungo rito.

Isang araw bago ang pagluwas nina Sam ay kinausap muli siya ni Lolo Ado.

“Sam, bago pa ma­matay ang lola mo, nailagay na namin sa pangalan mo ang kaunting ari-arian natin. Ikaw na ang bahala. Sabi ng lola mo, kung maaari ay huwag mong ipagbibili, kasi dito ka nag­mula…’’

Napangiti si Sam.

“Ba’t ko naman ipagbibili?”

“Kasi baka big­la kang magipit sa pera…’’

“Hindi po Lolo. May pera pong iniwan si Mama Brenda sa amin. Sobra-sobra ang pera namin.’’

“Yun namang bilin ni Lola mo ay kung ma­aari lang.’’

“Opo Lolo. Pangako ko na hindi ko ipagbibili ang anumang iiwan n’yo sa akin.’’

“Salamat Sam. Matutuwa ang Lola mo, sigurado ako.’’

“Pero bakit parang naghahabilin ka na sa akin Lolo?”

“E mabuti nang alam mo. Yung iba ka­sing mga mata­tanda, hindi sinasabi sa mga maiiwan ang mga mahahalagang bagay kaya nagkakaroon ng kaguluhan.’’

“Kasi parang nagpapaalam ka na sa akin, Lolo. Huwag mo muna akong iiwan. Hintayin mong makatapos ako ng pagka-doktor at ako ang gagamot sa’yo.’’

“Oo, Sam. Hihintayin kong makatapos ka at ikaw ang gagamot sa akin. Paghusayan mo ha. Sana ikaw ang manguna sa pagsu­sulit… ano nga ba yun, Sam?’’

“Medical board exam mo.’’

“Oo. Sana ikaw ang una.’’

“Pipilitin ko Lolo.’’

“Salamat, Sam.’’

Kinabukasan, pa­alis na sina Sam at Aya. Pinilit muli nila si Lolo Ado na sumama sa kanila pero ayaw talaga. Wala raw mag-aalaga sa puntod ni Lola Cion.

Nagmano sina Sam at Aya kay Lolo Ado bago umalis.

Nang bumaba sila ng bahay, parang kinabahan si Sam. Parang iyon na ang huli nilang pagkikita ni Lolo.

(Itutuloy)

AYA

KASI

LOLA

LOLA CION

LOLO

LOLO ADO

MAMA BRENDA

SAM

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with