Halimuyak ni Aya (302)
“ANG tatalim ng kidlat. Kahit nasa ilalim ako ng kumot, nakikita ko pa rin,†sabi ni Aya habang nakaupo sa kama ni Sam.
“Sana tinakpan mo ang mga mata mo,†sabi ni Sam.
“Para kasi akong hindi makahinga kapag may takip sa mata.’’
“Sabagay kahit noong maliit pa tayo, takot ka na sa kidlat at kulog di ba?â€
“Oo.’’
“Natatandaan ko, minsang nagtungo kayo sa probinsiya ni Mama Brenda ay kumidlat at kumulog. Nagtago ka sa kuwarto, ha-ha-ha!â€
“Talagang takot na takot ako sa kidlat. Para bang ako ang tatamaan.’’
“Bakit pag narito ka ba sa kuwarto ko, ligtas ka na sa kidlat?â€
“Oo. Basta kasama kita, pakiramdam ko ligtas ako.’’
Napaangat ang kilay ni Sam habang nakatingin kay Aya.
“Para kang baklang nakataas ang kilay d’yan. Hindi ka naniniwala sa sinabi ko?’’
“Medyo.’’
“Totoo naman na pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama ka.’’
“Sige na, naniniwaÂla na ako. Salamat naÂman sa pagtitiwala mo.’’
“Kaya nga ayaw kong mahihiwalay sa’yo. Kapag nagkalayo tayo, baka kung ano ang mangyari sa akin…’’
“Ba’t naman tayo magkakalayo?’’
“Malay mo, may mangyari…’’
“Na ano?
“Wala. Basta ayaw kong mahihiwalay sa’yo.’’
Namagitan sa kaÂnila ang katahimikan. May iniisip si Sam. May gusto rin kaya sa kanya si Aya?
NapabuntunghiniÂnga si Sam.
“Matulog ka na Aya.â€
“Ikaw, hindi pa?â€
“Nagre-review pa ako. May exam kami bukas. Mabigat ang exam.’’
“E kung matulog ka kaya muna tapos ay gumising ka nang madaling araw. Mas active daw ang utak pagkaraang matulog.’’
“Nakatulog na ako kanina. Nang kumatok ka, nakatulog na ako.’’
“Ah okey. Sige tutulog na ako. Pasensiya ka na at naabala kita rito.’’
“Oks lang.’’
Nahiga na si Aya.
Nakaupo naman si Sam sa kanyang study table. Nakasubsob sa pagbabaÂsa. Pero ang nasa isip niya ay si Aya. Sinulyapan niya ito habang nakahiga. Walang kumot. Bakat ang magandang katawan. Kaakit-akit.
Pero sabi ni Sam sa sarili, kaya pa niya ang tawag ng tukso. Kaya pa niyang kontrolin ang sarili. (Itutuloy)
- Latest