Halimuyak ni Aya (300)
MADILIM sa loob ng sinehan. Walang maaninag sina Sam at Aya. Hawak ni Sam ang kamay ni Aya. May mga tao na naglaÂlakad sa unahan nila.
‘‘Dahan-dahan ka sa paghakbang,’’ sabi ni Sam.
‘‘Maganda nga siguro ang movie na ito dahil maraming tao.’’
“May seat number naman tayo kaya okey lang.’’
Biglang lumapit ang isang babaing may dalang flashlight. Sinabi nila ang seat number. Itinuro sa kanila. Nasa gawing dulo pa pala.
Nakaupo rin sila.
“Maraming tao, Sam. Maganda nga siguro ito.’’
‘‘Baka matulog ka na naman. Di ba minsang maÂnood tayo, natulog ka.â€
“Boring ang napanood natin noon.’’
Nagsimula ang movie. Nakatutok sila pareho. MaÂganda ang simula ng pelikula. Suspense agad. Mabilis ang phasing.
Naramdaman ni Sam ang paghilig ni Aya sa kanÂyang balikat. Nasamyo ni Sam ang mabangong buhok ni Aya. Babaing-babae ang samyo ni Aya. Kanina, akala ng mga kasamahan ni Aya ay magsiyota sila. Hindi nila alam ang kakaibang sitwasyon sa pagitan nila ni Aya. Pero ang sarap sana kung magsiyota na nga sila ni Aya. Pero darating din sila roon. Ilang taon pa at mangyayari iyon. Kapag tapos na siya sa pagdodoktor.
Nag-concentrate siya sa panonood. Kuwento ng isang ama na iniligtas sa sindikato ng white slavery ang kaisa-isang anak na babae. Ang ama ay dating pulis at hiwalay sa asawa. Sa ina nito nakatira ang anak at dinadalaw lang niya.
Hanggang sa isang gabi galing sa school ang anak ay sinundan ng isang van at sapilitang isinakay. Tinakpan ng masking tape ang bibig para hindi makasigaw.
Nalaman ng ama ang pagkawala ng anak nang tawagan ng dating asawa. Doon na nagsimula ang paghahanap ng ama sa anak. Dahil dating pulis, nagtanung-tanong sa mga taong posibleng nakakita sa pagkidnap sa anak. Pero walang makapagsabi. Wala raw nakita.
Naputol ang pagsubaybay ni Sam sa pelikula nang kumilos si Aya sa pagkakahilig sa kanyang balikat. Ang akala ni Sam ay nanonood si Aya pero nang tingnan niya, natutulog pala!
Binulungan niya: “Aya!â€
“Inaantok ako, Sam.’’
“Sige matulog ka lang at ikukuwento ko mamaya sa’yo ang nangyari.’’
Tumango si Aya na halatang antok na antok at pagod.
Ang hindi inaasahan ni Sam ay ang pagyakap sa kanya ni Aya. Lalong nalanghap ni Sam ang samyo ng mabangong kaÂtawan ni Aya. Malapit na malapit ang pisngi ni Aya. Natutukso na si Sam na dampian ng halik si Aya. Hanggang kailan niya titiisin ang damdamin kay Aya?
(Itutuloy)
- Latest