Halimuyak ni Aya (293)
HABANG nakatitig kay Dra. Sophia del Cruz ay naisip ni Sam ang mga sinabi ni Doc Paolo sa kanya noon. Mayaman daw ang pamilya ng kanyang asawa – si Dra. Sophia nga. Ang biyenan niyang lalaki na isa ring doctor ang may-ari ng private hospital. Sa ospital ngang iyon nagki-clinic si Doc Paolo. At ang sabi pa nito, may isa raw silang anak ni Dra. Sophia, na isang maÂlaking kasinungalingan. Ayon sa family driver na si Jaime ay walang anak ang mag-asawa sapagkat may deperensiya si doktora.
Habang nakatitig kay Dra. Sophia ay napailing-iling si Sam. Bakit kaÂilangang magsinungaling ni Doc Paolo? Ano kaya ang dahilan niya at kailaÂngan pang magsinungaÂling nang sabihing may isa silang anak ni Doktora. Nahihiwagaan siya sa mga nalaman kay Doc Paolo. Hanggang ngayon ay hindi niya maubos maisip na kawawain ang mabait na si Dra. Sophia.
At naisip din ni Sam, na kung hindi dahil sa ama ni Dra. Sophia ay hindi siya magkakaroon ng clinic. Bakit nagawa pa ni Doc Paolo na makisama sa ibang babae? Kung wala silang anak ni Dra. Sophia, maaari naman silang mag-ampon. May paraan pa naman. Hindi dahilan ang kawalan ng anak para iwanan ang mabait na asawa na katulad ni Dra. Sophia. Siguro, talagang naakit nang husto si Doc Paolo sa batambatang babae na isa raw medical representative. Baka mahusay magpaligaya ang babae.
Tinitigan uli niya si Dra. Sophia, walang duda na mabait nga ang babaing ito. Mukhang maunawain.
ILANG araw nang absent si Dra. Sophia sa klase nina Sam. Wala namang sinasabi ang opisina ng Dean kung bakit wala si Dra. Sophia. Iyon ang unang pagkakataon na umabsent nang matagal si Dra. Sophia sa klase.
Hanggang sa malaman nila na maysakit daw ito. Isang kaklase ni Sam ang nagsabi. Baka isang buwan na hindi makapagturo. Hindi naman niya nalaman kung ano ang sakit ng doktora.
Kaya pala hindi rin niya nakikita si Jaime. Kung makikita sana niya si Jaime, malalaman niya ang totoo.
Para namang sinagot ang wish niya. Nakita niya si Jaime na naglalakad papasok sa Medicine Bldg. May dalang nasa brown envelope.
Hinabol niya ito at tiÂnawag, “Jaime!â€
Lumingon si Jaime. Nakangiti. Malalaman na ni Sam kung ano ang nangyari.
(Itutuloy)
- Latest