^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (290)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI na mapigilan ang driver na si Jaime sa pagsasalita ukol kay Dr. Paolo del Cruz. Parang sinusiang manika na nagkuwento ukol kay Dr. Del Cruz.

‘‘Wala na si Dr. Pao­lo na asawa ni Doktora. Nasa ibang bansa na. Nag-abroad na.’’

‘‘Matagal na?’’

‘‘Mga... teka, kailan ba yun? Mga apat na buwan na siguro ang nakararaan.’’

Lalo nang sinilihan si Sam. Ito na ang pinaka-hi­hintay niya. Ito ang kinasasabikan niyang malaman.

“Saan sa abroad?’’ tanong niya.

‘‘Hindi ko matiyak kung saan. Parang sa Canada o Amerika yata. Basta alinman sa dalawang bansang iyan.’’’

“Ah siguro mag-aaral si Doktor ano? Kasi ang mga doktor laging naga-aaral ang mga yan.’’

Napatingin si Jaime kay Sam. Hindi nagsasalita. Para bang nag-aalangan kung sasabihin o hindi kay Sam ang nalalaman.

Pero kinakati rin siguro ang dila kaya nagsalita na rin.

“Ang alam ko, hindi mag-aaral.’’

“E ano?’’

“Doon na titira.’’

Gimbal si Sam. Siya nga­yon ang nahihiwa­gaan. Pero patay-malisya pa rin ang pagtatanong niya para hindi makaha­lata si Jaime.

“Ah siguro susunod na si Dra. Sophia sa kanya ano para doon na sila magsamang mag-asawa ano?’’

Napailing si Jaime.

“Hindi,’’ sabi nito.

“Anong hindi?’’

“Hiwalay na sila. May asawa nang iba si Dok Paolo.’’

Yanig si Sam. Mahirap paniwalaan pero bakit    naman gagawa ng balita   si Jaime ukol kay Dr. Paolo del Cruz.

“Sa atin-atin lang ito Sam, huwag mo nang ikukuwento sa iba at baka kumalat e kakahiya kay Doktora Sophia. Naaawa ako sa kanya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.’’

“Oo naman, Jaime. Tayo lang ang nakaaalam nito.

Hinalukay na ni Sam ang iba pang detalye.

“Doktora rin ang babae, Jaime?’’

“Hindi. Balita ko med rep daw na ubod ng ganda at batambata pa.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

CRUZ

DOK PAOLO

DOKTORA

DOKTORA SOPHIA

DR. DEL CRUZ

DR. PAO

DR. PAOLO

JAIME

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with