Halimuyak ni Aya (287)
NALAMAN ni Sam na sa gilid ng Medicine Bldg. ipina-park ang SUV ni Dr. Sophia del Cruz. ExcluÂsive para sa mga proÂpesor ng Medisina ang parking space na iyon. Ang driver ni Dra. Del Cruz ay nasa paligid-ligid lang. Naka-alert sa anumang tawag ni Doktora.
Pinag-aralan ni Sam kung paano makaka-usap ang drayber na hindi magsusupetsa sa kanya. Kailangang mapaniwala niya ang drayber na wala siyang balak na mag-imbestiga.
Nakaisip agad ng paraan si Sam. Bukas, titiyempuhan na niya ang drayber. Isasagawa agad niya para malaman ang misterÂyosong pagkawala ni Dr. Paolo del Cruz.
Maagang puma-sok si Sam. Alas nu webe ang unang subject ni Dra. Del Cruz. Sa di-kalayuan sa parking area pumuwesto si Sam. Naupo siya sa bench doon at nagbasa kunwari ng book pero matalas ang kanyang pakiramdam. Inaabangan niya kung paparating na ang sasakyan ni Doktora.
Ten minutes bago mag-nine ay natanaw na niya ang itim na SUV ni Doktora. IbiÂnaba si Doktora sa harap ng Medicine Bldg. at pagkatapos ay nagtungo na ang SUV sa parking area.
Makaraang i-park ay bumaba na ang drayber. Mga 40-anyos siguro ito. Mukhang mabait at disiplinadong drayber. Mga ilang minutong tumigil sa tabi ng SUV at sinuri-suri ang kabuuan ng sasakyan. Tiningnan ang mga goma. Nang walang makitang deperensiya ay umalis na ang drayber at nagtungo sa gawing tagiliran ng Medicine Bldg. Doon marahil maghihintay kay Doktora.
Hindi na nagsa-yang ng panahon si Sam. Sinundan ang drayber. Mabilis ang hakbang niya para abutan ang drayber.
“Excuse me Sir!†Tawag niya rito.
Lumingon ang drayber.
“Ako ba?â€
“Oo.â€
“Bakit?â€
“May nalaglag na papel galing yata sa bulsa mo. Ayun, o!â€
Tiningnan ng dray ber ang nalaglag na papel na itinuro ni Sam. Nagtataka ito. Gayunman, nilapitan. Dinampot. Binuklat. Binasa.
“Hindi sa akin ito.’’
(Itutuloy)
- Latest