^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (265)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABAHAN si Sam  nang makita si Julia. Ma­­ tindi na talaga ang pagkagusto nito sa kan­ya. Kahit saan siya mag­pun­ta ay nasusundan siya. Hindi siguro ma­limutan ni Julia ang mga nangyari sa kanila noong mapag-isa sila sa apartment sa Sulucan.

Umatras si Sam mula sa pagkakadungaw sa bintana. Delikadong makita siya ni Julia. Tiyak na magugulo ang magandang samahan nila ni Aya. Napakataas pa naman ng pagkakilala sa kanya ni Aya. Malaki ang tiwala nito sa kanya. Ikinumpara pa siya sa papa nito. Mas mahusay siya kaysa sa papa nito. Wala raw panininindigan ang ama.

Hindi niya dapat sirain ang pagtitiwala ni Aya. Kahit na hindi siya sigurado kung may pagtingin din sa kanya si Aya, hindi dapat masira ang  pagkakilala sa kanya. Kapag pinatu-lan niya si Julia at nalaman ito ni Aya, malaking problema ang kahaharapin niya. Hindi niya kayang bigyan ng problema si Aya. Kawawa naman. Hindi pa nakakabawi sa pagkamatay ni Mama Brenda at ganundin sa pagwawalambahala ng amang si Dr. Del Cruz at pagkatapos ay dadagdagan pa niya, hindi niya kaya.

Pinagmasdan niya si  Julia. Tumigil ito at pinagmasdan ang mga apartment na nasa gawing kanan niya. Sumulyap sa dakong bintana na kina­roroonan ni Sam. Atras si Sam! Delikadong masulyapan siya! Kapag nakita siya, tiyak na hindi ito titigil hangga’t hindi niya pinapapasok. At paano kung biglang dumating si Aya? Patay na! Paano siya magpapaliwanag?

Nakita ni Sam na isang lalaki ang pinagtanungan ni Julia. Tinatanong marahil kung may kilala itong Sam. Umiling ang lalaki at umalis.

Ilang sandali na huminto si Julia at nang tila wala nang pag-asang makita ang bahay ni Sam ay umalis na.

Nakahinga nang maluwag si Sam.

Makaraan ang 15 mi­nuto, dumating si Aya. Muntik na si Sam kung pinatuloy si Julia!

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

DELIKADONG

DR. DEL CRUZ

JULIA

NIYA

SAM

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with