^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (248)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIGE na Sam, sabihin mo na,” sabi ni Aya habang nakayakap kay Sam. May kiliti na nadama si Sam pero, pinigil niya. Hindi pa panahon para mailabas ang damdamin niya kay Aya. Saka na muna pagbuhusan ng pansin ang ukol doon. Makapaghihintay at makapagpipigil siya.

Napilitan siyang sabihin ang ilan sa mga pinag-usapan nila ni Mama Brenda ma-liban sa pakiusap nito na sila ang magkatuluyan sa hinaharap.

“Tungkol sa daddy mo ang sinabi ni Mama Brenda.”

Napabitaw sa   pagkakayakap si Aya.

“Ano ang tungkol kay Daddy, Sam?”

“Sabi ni Mama Brenda, inaasahan daw niya na maaaring hanapin mo ang daddy mo. At  kapag daw dumating ang panahong iyon, wala siyang magagawa. Sana raw kung makikita mo ang daddy mo, huwag kang apihin…ikinatatakot daw niya ang pagdating ng panahon na makilala mo ang iyong daddy.”

Nakatingin lang si Aya kay Sam. Nagpatuloy si Sam sa pagsasalita.

“Nang sabihin niya sa akin iyon e parang maiiyak siya.’’

Napabuntunghini­nga si Aya.

“Hindi mo sinabing nagkita na kami ni Papa at dito tayo nakatira sa bahay niya?”

“Hindi. Masasaktan siya kung sinabi ko iyon.’’

Napatungo si Aya.

“Nakokonsensiya ako Sam. Parang nilo­loko ko si Mama.”

“Anong gagawin natin? Kapag sinabi mo baka magalit sa iyo at kung ano ang mangyari sa kanya. Baka ma-high blood. Okey nang huwag niyang malaman iyon sa ngayon…”

Yumakap sa kanya si Aya. Nalanghap muli niya ang halimuyak nito.

“Ano nga pala ang laman ng backpack  na dala mo?”

“Pera. Para sa ating dalawa.’’

Hindi masyadong excited si Aya sa pera.

MINSAN, puma­sok si Sam sa bedroom ni Aya para gisi­ngin ito. May pasok ito nang maaga.

Napasukan niya sa nakatutuksong posis­yon si Aya. Humanga siya sa kagandahan ni Aya. Walang kasing ganda! (Itutuloy)

ANO

ANONG

AYA

HUMANGA

ITUTULOY

KAPAG

MAMA BRENDA

NIYA

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with