Halimuyak ni Aya (238)
“KUMAIN ka na, Julia,†sabi ni Sam. “Di ba nagugutom ka kaya ka nagyaya rito?â€
“Ang taray mo naman. Naglalambing lang ako e.’’
Kinuha ni Julia ang hamburger. Binuksan at kumagat.
“Hahati ako sa binayad mo dito, Sam. Kakahiya naman.’’
“Huwag na.’’
“Bakit marami ka bang pera?’’
Hindi sumagot si Sam.
“Siguro ang daming padalang pera ni Lolo Nado ano kaya okey ka lang maglibre.’’
“Marami akong ipon.’’
“Sabagay, wala ka namang bayad sa tirahan. Libre ang bahay at pagkain mo di ba?’’
“Hindi na. Lumipat na ako ng bahay.â€
“Ano?’’
Natulala si Sam. Bakit ba niya nasabi iyon? Tiyak na hindi siya titigilan ni Julia sa katatanong hanggang malaman kung saan siya nakatira. Kung bakit nadulas ang dila niya.
“Saan ka lumipat?â€
Hindi na siya nagsiÂnungaling.
“Sa may Dapitan.’’
“Saan dun? Mahaba ang Dapitan.â€
“Basta malapit sa school ko.â€
“Malapit sa Forbes St.’’
“Hindi.’’
“Ang daya nito. Ba’t ayaw mong sabihin?â€
“Saka na lang. Kumain ka na nga muna saka ka na magtanong.’’
“Sabagay, mas maÂganda ngang nasa ibang bahay ka na. Hindi mo na kasama si… sino nga ’yun? Yung babaing laging nagpupunta sa probinsiya kasama ang mama niya?’’
“Si Aya.’’
“Mabuti naman at hindi na kayo magkaÂsama. Alam mo asar ako sa kanya. Hindi ko gusto kung makatingin siya.’’
“Ubusin mo na yang burger mo at nang makaÂalis tayo.’’
“Ihatid mo ako sa bahayÂ, Sam.’’
“Hindi puwede, may exam pa ako bukas.’’
“Sige paghindi mo ako inihatid susundan kita hanggang Dapitan at papasok ako sa tinitirahan mo.’’
Walang lusot si Sam. Kapag sinundan siya ni Julia, mabibisto na kasama niya si Aya sa tirahan.
“Sige na nga.’’
Lumabas sila ng McDo at inihatid si Julia sa tirahan nito sa Sulucan.
“Halika sa loob, Sam.’’
“Saka na lang.’’
“Halika na!â€
Napilitan na si Sam.
(Itutuloy)
- Latest