^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (234)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANO po ang lagay ni Mama, Manang Azon?’’

“Okey na naman siya ngayon. Pinainom ko ng gamot.”

“Baka puwede pong dalhin mo sa ospital, Manang.”

“’Yun nga ang balak ko, kaya lang e siya ang ayaw. Itong pagtawag ko sa’yo ay lihim lang. Kasi nasabi sa akin na huwag ko raw sasabihin sa’yo dahil mag-aalala ka.’’

“Saan po ang mga pasa niya?’

“May pasa sa braso. Pero ngayon e nawawala na. Hindi naman daw ma­sakit. Huwag daw akong mag-alala. Aywan ko ba sa Mama mo, maski ako nahihiwagaan sa kanya. Maski sinasaktan na e ayaw pa ring hiwalayan si Janno.’’

“Manang, huwag mong iiwan si Mama. Ikaw na lang ang inaasahan ko. Gusto kong pumunta diyan kaya lang nag-aalala rin ako at baka kung anong mangyari.’’

“Naku, huwag kang pupunta rito Aya. Delikado. Noong nagpunta kayo rito, naghinala siya. Kasi may nakita siyang tissue na nakakalat sa sahig. Sabi niya, ikaw daw ang may dala ng tissue na iyon. Mahilig ka raw mag-tissue.’’

Naalala ni Aya na gumamit siya ng tissue noon at hindi niya namalayan na nalaglag sa sahig.

“Sa akin nga po ang tissue Manang.’’

“Huwag ka munang pumunta rito. Ako nang bahala sa Mama mo. Hindi ko naman siya iiwan. Kung may masamang mangyayari sa kanya saka na lang kita ta­tawagan at iti-text.’’

“Salamat Manang. Na­pakabuti mo.’’

“Mabait ka rin naman sa akin at pati ang Mama mo parang kapatid ko nang bunso. Basta huwag ka na munang mag-worry. Ang pag-aaral mo muna ang isipin mo ngayon. Alam ko marami ka nang absent dahil sa mga nangyari. Kumusta naman si Sam?’’

“Mabuti po Manang. Magkasama kami sa tirahan.’’

“Sige, mag-ingat ka­yo ni Sam.’’

“Salamat Manang.’’

Natahimik ang ka­looban ni Aya.

Natuwa naman si Sam at napanatag ang kalooban ni Aya. Kapag malungkot si Aya, damay din siya.

Nang mga sumunod na araw, tinupad ni Dr. Paolo del Cruz ang pangako kay Aya na ipaaayos ang katabing bedroom para mayroon siyang sarili.

Nang matapos ang bedroom ay masaya si Aya. Tinulungan siya ni Sam na ayusin iyon.

“Mas masaya sana ako kung kasama si Mama.”

“Malay mo isang araw e mangyari iyon. Di mas masaya tayo rito.’’

“Paano pagnalaman niya na kay Papa pala ang apartment na ito?”

Natigilan si Sam.

(Itutuloy)

AYA

DR. PAOLO

HUWAG

KASI

MANANG

MANANG AZON

NANG

SALAMAT MANANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with