Halimuyak ni Aya (230)
HINDI humihinga sina Aya at Sam sa pinagkukublihang pader. Nakatayo lang si Janno at nakatingin sa direksiyon na pinagkukublihan ng dalawa. Parang may naaamoy na hindi maganda. Kinukutuban ito. Nasa di-kalayuan naman si Manang Azon at hindi malaman ang gagawin. Nagkukunwari itong may ginagawa sa paligid. Alam ni Manang Azon na kapag nagtungo ito sa bahaging may pader, makikita ang dalawa at tiyak na malaking gulo ang mangyayari.
Humakbang si Janno palapit sa pinagkukubli-han nina Aya at Sam. Na kikiramdam naman ang dalawa. Binulungan ni Aya si Sam. “Huwag kang gagalaw, Aya. Papalapit dito ang demonyo. Mukhang nagdududa.’’ Tumango lang si Aya. Cool lang si Aya. Kung mabibisto sila, malaking gulo na naman ito. Pero nakahanda siya anuman ang gawin ni Janno. Ngayon pa ba siya matatakot na kasama si Sam? Kung noong nag-iisa siya ay nagawang hampasin si Janno, mas lalong magagawa niya iyon ngayon. Kailangan lang na maunahan nila si Janno.
Nakiramdam ang dalawa sa gagawin ni Janno.
Hahakbang na si Janno nang biglang tawagin ni Manang Azon.
‘‘Janno, may sasabihin nga pala ako.’’
Tumigil si Janno. Lumi-ngon kay Manang Azon.
‘‘Ano yun?’’ Malakas ang tanong nito na parang nambubulyaw. Walang paggalang sa matanda.
“May nakita akong dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa tapat. Pabalik-balik…’’
Natigilan si Janno. Sa halip na magtungo sa piÂnagkukublihan nina Aya at Sam at lumapit kay Ma-nang Azon.
‘‘Linawin mo nga ang sinasabi mo?’’ Sabing tila yamot.
“May dalawang lalaki na nakamotorsiklo at pabalik-balik diyan sa tapat.’’
“Riding-in-tandem?’’
“Oo. Pasilip-silip sila at parang may iniisip.’’
“Putang ina! Baka aambusin ako ah!’’
‘‘Mga limang beses silang pabalik-balik.’’
“Naka-helmet ba?’’
“Oo.’’
“Anong kulay ng motor?’’
“Itim.’’
‘‘May plaka?’’
“Hindi ko napansin. Kasi natakot din ako eh. Ninerbiyos ako nang todo. Kasi’y parang may hawak nang baril yung nakaangkas.’’
“Putang ina! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kanina pa ako narito ah.’’
“Kasi nga’y nerbiyos na nerbiyos ako. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa ako. Ang hula ko ay baka magnanakaw dito sa bahay.’’
“Hindi magnanakaw ang mga ‘yun. Gusto akong itumba. Putang ina, ma-kapasok na nga sa loob! Baka ratratin ako rito!’’
Mabilis na nagtatakbo sa loob ng bahay si Janno. Umurong yata ang mga bayag!
Nang matiyak ni Manang Azon na nakapasok na si Janno ay sinenyasan nito sina Aya at Sam na umalis na. Ibinukas nito ang gate.
‘‘Halika, Aya! Bilis!’’
Mabilis na lumabas sa pinagkukublihan ang dalawa at nagtatakbo patungo sa gate at lumabas.
Nakahinga nang maluwag si Manang Azon. Isinara niya ang gate. Ligtas na ang dalawa sa demonyong si Janno.
(Itutuloy)
- Latest