^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (207)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG mayroon ka pang kailangan dito sa tirahan mo, sabihin mo lang sa akin, Sam,” sabi ni Dr. Del Cruz.

“Wala na po Doctor. Kumpleto na po ito. Kumportable na po ako rito.’’

“Ang pagkain mo ikaw na ang bahala?’’

“Opo, Doktor ma­runong po akong mag­luto.’’

“Kung tinatamad kang magluto, malapit lang ang McDo rito. Pero huwag ka ring mas­yadong magkakakain sa fast foods.”

“Opo Doktor.’’

“Basta yung bilin ko, huwag mo munang sasabihin kay Aya na sa akin ang bahay na ito. Sorpresahin natin.’’

“Magtataka po yun kung saan ako kumuha ng pambayad sa renta sa ganito kagandang boarding house.’’

“Mag-imbento ka. Sa-bihin mo, tumama sa lotto ang lolo mo, he-he-he!’’

Nagtawa rin si Sam. Palabiro pala si Doktor.

‘‘Sabihin mo na ma­raming naani sa bukid ang lolo mo. Ano bang tinatanim niya?’’

‘‘Palay po at saka mangga.’’

“Ayun, sabihin mo, ma­ raming naaning palay at napitas na mangga, he-he-he.’’

“Sige po.’’

“Katuwaan lang naman. Gusto ko kasi sorpresahin siya Sam. At isa pa, kung narito siya, madali na akong makakapunta rito at magkikita kami.’’

“Tiyak pong matutuwa yun, Doktor kapag nakita ito. Minsan nga, noong mabigat na mabigat ang problema, gusto na niyang mamuhay na mag-isa. Gusto nga niya kaming dalawa ang magkasama sa bahay.’’

“Kung ganun ang gusto niya, ibibigay ko na sa kanya ang isa pang kuwarto, may bakante pa diyan.’’

“Pero siguro po, hindi niya iiwan si Mama Brenda lalo at maysakit ngayon.’’

“Yan din ang hula. Anyway, basta kung pupunta rito si Aya, i-text mo agad ako para madali akong makapunta. Okey Sam?”

“Okey po. Marami pong salamat uli.

Pagkaalis ni Doktor tinawagan ni Sam si Aya at sinabing lumipat siya ng bahay sa Dapitan.

Kinabukasan, nagkita sila ni Aya at isinama niya ito sa bagong tirahan. Hangang-ha-nga si Aya.

‘‘Ang ganda, Sam. Parang gusto kong dito na tumira.’’

(Itutuloy)

 

ANO

AYA

AYUN

DOKTOR

DR. DEL CRUZ

MAMA BRENDA

OKEY SAM

OPO DOKTOR

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with