^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (180)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GUMAGAPANG na ang espiritu ng isang boteng alak sa katawan nina Julia at Sam. Mas matindi ang epekto kay Julia sapagkat sinakmal nito ang labi ni Sam. Sapol.

Nalasahan naman ni  Sam ang manamis-namis na laway ni Julia. Lasang alak pero masarap. Mabango ang hininga ni Julia. Unang pagkakataon na may humalik sa kanya. At inaamin ni Sam na masarap ang unang halik. Unang halik din kaya ni Julia?

Idiniin pa ni Julia ang labi sa labi ni Sam. Naging malikot ang dila ni Julia. Parang sanay na sanay na si Julia. Probinsiyana ito                    pero ang mga kinikilos ay parang babaing lumaki sa Maynila. Marunong nang uminom ng alak at mahusay ding humalik.

Lalaki si Sam at nasa ka­initan. Sumusulak ang dugo. Lalo pang sumulak nang makainom ng “agua-de-pataranta.’’ Hindi rin naman niya masansala ang “palay  na lumalapit sa manok.’’

Tinanggap ni Sam ang    hamon ni Julia. Nakipaghalikan na siya. Lumaban na siya. Masarap talaga. Ang bango ni Julia.

Yumapos pa nang todo si Julia kay Sam nang lumaban na ito nang halikan. Parang nababaliw na si Julia sa nararanasan.

Nasa ganoon silang kainitan nang may marinig silang katok sa pinto. Unang umangat si Sam. Napaangat din si Julia. Nagkatinginan sila. Mabilis ang kilos ni Julia at nadampot ang dalawang bote sa mesita at dinala sa kusina. Mabilis ding bumalik para tingnan kung sino ang kumakatok. Si Sam naman  ay nanatiling nakaupo. Nawala na ang “tama” ng alak.

“Ate!’’

Binuksan ni Julia nang maluwang ang pinto. Nakita ni Sam na pumasok ang isang babae, kasunod ang isang bata.

“Akala ko bukas pa kayo darating?’’ tanong ni Julia.

“Nainip na itong si Kulas. Wala raw TV dun sa mga      lola niya. Umuwi na kami. Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?’’

“Nasa CR ako. Siyanga pala may bisita ako. Si Sam, kaklase ko noong high school. Taga-atin din.’’

Tiningnan ng Ate si Julia. Parang nagtataka na malalim na ang gabi ay may bisitang lalaki. Pero nakangiti ito nang tingnan si Sam. Naguwapuhan marahil.

Tumayo naman si Sam.

“Good evening po.’’

“Good evening din. Taga-roon ka rin sa atin, Sam.”

‘‘Opo. Apo po ako ni Lolo Nado at Lola Cion.’’

‘‘Ah oo natatandaan ko. E mabuti at nakarating ka rito sa amin dito sa Sulucan.’’

“Nagpunta po kami ni Julia sa burol ng teacher namin, e inihatid ko na po siya kasi gabi na.’’

“Ay bukod pala sa guwapo ay ang bait mo rin Sam.’’

‘‘Hindi naman po. Aalis  na rin po ako.’’

‘‘A e sige at baka gabi-   hin ka lalo. Salamat sa pag­hahatid mo kay Julia.’’

Inihatid ni Julia si Sam sa gate.

‘‘Sam, kailan uli?’’

(Itutuloy)

JULIA

LOLA CION

LOLO NADO

MABILIS

NANG

SAM

SI SAM

UNANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with