^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (179)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BINUKSAN ni Julia ang alak. Ipinatong sa mesita na nasa harapan nila.

“Tikman mo Sam, masarap.’’

“Ilang beses ka nang nakainom n’yan?”

“Marami na. Nung minsan, nakipagbertdey ako sa classmate ko. Marami kaming naubos. Hindi nga nakalalasing. Para ka lang mahihilo nang konti pero masarap ang pakiramdam. Tikman mo na nga kasi para malaman mo.’’

Dinampot ni Sam ang isang bote. Sinimsim.

“Ano, okey?”

Sumimsim uli. Okey naman pala ang lasa.

“Masarap.”

“Sabi ko sa’yo. Bana-yad lang ang dating di ba?”

Sumimsim uli si Sam sa bote.

Nagsimula na ring su­mimsim si Julia. Sanay na nga itong uminom. Nang ibaba ang bote ay mataas sa kalahati agad.

“Ang sarap!” Sabi nito at tiningnan si Sam.

Ginaya ni Sam ang ginawa ni Julia. Tinungga ang laman ng bote. Mataas sa kalahati rin ang natira.

“Uyy, nagpapasikat.”

“First time ko lang nakainom, Julia.”

“Talo pala kita.”

“Wala naman kasi akong barkada  kaya hindi ako nakakatikim ng ganito.’’

“Kahit beer hindi ka pa nakakatikim?”

“Minsan, pinainom ako ni Lolo pero maliit pa ako noon, Grade Six yata ako. Ang pait ng beer. Tawa nang tawa si Lolo sa reaksiyon ko. Mula noon parang ayaw ko nang tumikim ng beer.’’

“E ngayon, gusto mo na?”

“Tikim-tikim lang.’’

“Sige na ubusin mo na ‘yang nasa bote mo.’’

Tinungga ni Sam ang laman. Nang ibaba ang bote ay halos maubos.

“Wow nagpapasikat talaga ang mamang guwapo.’’

“Sinong bumili ng alak na ito, Julia?”

“Sino pa di ako?”

“Alam ng sister mo?”

“Oo.”

Inubos ni Julia ang laman ng kanyang bote.

“Wow ang sarap!’’ sabi at sinulyapan si Sam. Nagwawating-wating ang tingin. Tinatablan na si Julia. Pero hindi naman grabe ang talab.

“Sam ang guwapo mo kapag nakainom.’’

Hindi nagsalita si Sam. Pero nararamdaman niya ang pag-epekto ng alak sa kanyang katawan.

“Lalo kang nagmuk­hang Arabo, Sam. Guwa­po mo talaga!”

“Ikaw maganda ka rin naman.’’

“Talaga?’

“Oo.”

“Sinong maganda sa amin ni Aya?”’

Hindi sumagot. Ngumiti lang.

“Sino nga, Sam?”

“Ikaw.”

Biglang hinalikan ni Julia sa labi si Sam. Napa-kalambot ng labi ni Julia. Amoy alak ang hininga pero mabango!

(Itutuloy)

vuukle comment

BOTE

GRADE SIX

IKAW

JULIA

LOLO

MARAMI

NANG

OO

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with