Halimuyak ni Aya (171)
“AT saka paano mo naman ako maisasama e may pamilÂya ka na? Masisira lang ang pamilya mo kapag isinama mo ako sa inyo. Mabuti nga at walang gulo e bigla akong papasok sa eksena,†sabi ni Aya sa ama.
“Alam naman ng wife ko na mayroon akong anak. Noon pa, sinabi ko na para hindi na siya mabigla.’’
“Alam nga niya pero hindi naman ibig sabihin nun e puwede na niya akong pati-rahin. Bihirang magkalapit ang magmadrasta, Papa.’’
Nakatingin lang si Doktor sa anak. Humahanga rito. Sa kabila na bata pa, matured at malawak na ang isip.
“Mabait naman ang wife ko.’’
“Gusto ko siyang maki-lala, Papa pero hindi muna ngayon. Tama na sa akin ngaÂyon na nakita kita at nakausap. Masaya na ako, Papa. Wala na siguro akong mahihiling ngayon kundi magbago ang isip ni Mama at layasan ang ka-live-in.’’
“Pero ang hirap nga ay ayaw niya. Gusto ay unawain mo. Kaya nga dapat malaman ng mama mo na may nahahalata kang hindi maganda sa ka-live-in niya.â€
Napabuntunghininga si Aya.
“Kapag hindi ako nakatiis ako na mismo ang magsasabi sa mama mo…â€
Napamaang si Aya.
“Kaya mo PaÂpa?â€
“Tatawagan ko siya pero hindi ako magpapakilala. Iibahin ko ang boses ko.â€
“Huwag na. Ako na lang ang mag-iingat.’’
“Kung anuman ang mangyayari, tawagan mo agad ako.’’
Tumango si Aya. At least, napatunayan niyang concerned sa kanya ang ama.
Bago sila naghiwalay, may iniabot si Doktor kay Aya. Pera. Nasa sobre.
“Itago mo ‘yan. Diyan man lang ay makabawi ako sa pagkukulang.’’
“Salamat Papa,†hinali-kan niya ang ama.
DUMATING na si Sam mula probinsiya. Napanatag ang loob ni Mama Brenda dahil may kasama na si Aya. Masaya naman si Aya.
Minsan, naglalakad sila patungong school.
“Aya, alam ko na kung bakit ayaw ni Mama Brenda na makita mo ang iyong papa.â€
“Nakita ko na si Papa, Sam. Dalawang beses na kaming nagkita.â€
(Itutuloy)
- Latest