Halimuyak ni Aya (153)
PALABAS na ng pinto sina Aya at Sam nang tawagin sila ni Mama Brenda.
“Mag-ingat kayong dalawa. Sam, ingatan mo si Aya.â€
“Opo, Mama Brenda.’’
Nagsalita rin naman si Aya sa ina.
“Mag-ingat ka rin ‘Ma. Alam mo na ang ibig kong sabihin kung kanino ka mag-iingat…â€
Napatango lang si Mama Brenda.
Lumabas na ang da-lawa.
“Nakokonsensiya ako Sam. Nagsinungaling ako kay Mama.’’
“Nagulat nga ako sa sinabi mo na mayroon kang iinterbyuhing puliti-ko sa Senate. Paano mo naisip ‘yun?’’
“Nakahanda na ‘yun bago pa ako nagpaalam kay Mama. Kaso, nakokonsensiya ako. Parang napakasama kong anak na sinuway ang aking ina.’’
“Ganundin ang naiisip ko, Aya. Tapos ipinagbilin ka pa sa akin kanina. Parang lumalabas na dalawa tayong niloloko si Mama Brenda.’’
Tumigil sa paglalakad si Aya. Nag-isip. Tumigil din si Sam.
“Ano, Aya?â€
“Iniisip ko kung tutuloy pa tayo mamaya sa ospital na kinaroroonan ni Papa.’’
“Pag-isipan mo, Aya. Mamaya pa naman pagkatapos ng klase natin ba-lak pumunta sa ospital.’’
“Sige, Sam bahala na maÂmaya. Basta magkita tayo sa McDo mamaya.’’
“Okey. Puntahan kita roon.â€
Nang matapos ang klaÂse, nagkita nga sila sa McDo. Naroon na si Aya. Nagpasya si Aya na ituloy ang balak. Nagtungo rin sila sa ospital.
“Sa palagay mo naroon na ang Papa mo, Aya?â€
“Di ba sabi ng secretary, bumalik ako after one month.â€
“Sana, tumawag ka muna.’’
“Gusto ko kasi sorpreÂÂsang makita si Papa. Basta makita ko lang siya, okey na sa akin.’’
Wala nang sinabi pa si Sam.
Nagtungo na sila sa ospital.
Si Sam ang kumatok sa Room 315. Ang nagbukas ay ang secretary.
“Good afternoon, Mam, nariyan na po ba si Dr. Pao- lo del Cruz?’’ sabi ni Aya.
Tiningnan ng secre-tary si Aya.
“Wala pa siya. Di ba ikaw yung mag-iinterbyu? Sana tumawag ka muna. Sayang lang ang pagpunta n’yo rito.†(Itutuloy)
- Latest