^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“DI ba ayaw ni Mama Brenda na lumapit ka sa Papa mo?” Tanong ni Sam. Nagtataka si Sam kung bakit biglang naisip ni Aya ang ama nito. Akala niya, hindi na interesado si Aya sa ama. Ngayon ay tila seryosong-seryoso at may pagkasabik si Aya sa ama.

“Gusto kong ma­kita kung ano talaga ang itsura ng Papa ko sa personal,” sabi pa ni Aya na nangingislap ang mga mata.

“Ibig mong sabihin, nakita mo na ang picture ng Papa mo?”

“Huwag mong sa­sabihin kay Mama ha? Ipangako mo Sam.’’

Tumango si Sam. “Nakita mo?”

“Oo. Sa Facebook.”

“Paano mo nalaman na yun nga ang Papa mo?”

“Basta. Malakas ang kutob ko. Unang pagka­kita ko sa photo niya, tiyak ko na agad na siya ang Papa ko.’’

Natigilan si Sam. Kapag nalaman ni Mama Brenda na may nalalaman na si Aya sa ina nito, baka kagalitan si Aya.

“Ipangako mo, Sam na hindi malalaman ni Mama. Gusto ko lang naman na makita ang Papa ko. Kahit hindi niya ako kilalanin, basta makita ko lang siya.’’

Naiintindihan agad ni Sam ang damdamin ni Aya. Nasasabik sa ama.

“Nung makita ko ang picture niya, parang gusto ko siyang halikan…’’

“Anong itsura ba?”

‘‘Guwapo.”

“Anong propesyon niya?”

“Doktor siya.’’

“Paano mo na­laman?”

“Siyempre nag-imbestiga ako. Kumpirmado na sa isang malaking ospital siya nagki-clinic.”

Humanga si Sam sa bilis ni Aya. Nakapag-researched na pala agad.

“Bakit nga ba big­lang-bigla e na­alala mo ang iyong Papa?”

Bumuntunghi­ninga muna si Aya bago sumagot.

“Kasi natutuliro na ako sa problema ni Mama sa asawa niya. Hindi ko na alam kung ano ang mga susunod. E, bigla kong naalala na ano kaya’t mag-researched ako sa Papa ko. Parang may pagbalingan lang ako ng oras at siguro, makakatulong din kahit paano.”

“Ganun lang.’’

“Oo. Basta  makita ko lang siya.’’

“E paano mo mahahalikan?”

“Bahala na.’’

“Basta gusto mo lang makita ang itsura tama na?”

“Yup!”

Tumango si Sam. Hanga siya kay Aya.

“Minsan, punta tayo sa ospital na ki­naroroonan niya. Puwede mo akong samahan, Sam?”

“Oo naman. Basta makaliligaya sa’yo.”
“Salamat, Sam.”

Isang araw, nagtungo sila sa ospital. Malaki ang ospital.

“Nariyan daw ang Papa ko.’’

(Itutuloy)

ANONG

AYA

IPANGAKO

LANG

MAMA BRENDA

OO

PAPA

SAM

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with