^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (142)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKAKITA sila ng dalawang bakanteng upuan sa dakong gitna. Tinungo nila. Si Sam ang nauna sa paglakad habang nakahawak sa braso niya si Aya. Kailangang humawak sa kanya si Aya para hindi magkamali ng hakbang. Madilim sa loob at hindi pa nag-aadjust ang kanilang paningin. Hindi pa nagsisimula ang movie at ang pinakikita ay ang preview ng mga susunod na pelikulang ipalalabas.

Narating nila ang upu-an. Naupo sila.

“Ang dami palang na­nonood,” sabi ni Aya na halos pabulong. “Hindi kaya dito rin nanonood ang mga classmate ko?”

“Posible. Baka ang katabi natin classmate mo.”

Tiningnan ni Aya. Inaninaw.

“Hindi. Matanda na itong katabi ko.’’

“Paano kung may ma­kakita sa’yong classmate mo? Iisipin nakikipag-date ka na. May kasama ka ha­bang nanonood.”

Nagtawa lang si Aya.

“E ano naman kung isi-pin ‘yun? Hindi ka naman nakakahiyang kasama o isiping boyfriend ko dahil guwapo ka.’’

Natahimik si Sam. Nakahawak pa rin si Aya sa braso niya. Siguro’y mas secure siya kapag nakahawak.

“Magsisimula na ang movie,” sabi ni Aya.

“Kapag hindi ko nain-tindihan, ipaliwanag mo sa akin ha?”

“Oo.’’

“Kung minsan kasi, hin-­di ko maintindihan ang sinasabi sa English.’’

Nag-umpisa ang pelikula. Humilig si Aya sa   balikat ni Sam. Hindi naman pinansin ni Sam. Hinayaan lang niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

HINAYAAN

HUMILIG

IISIPIN

INANINAW

ITUTULOY

KAILANGANG

SI SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with