Halimuyak ni Aya (131)
“HAYOP talaga! Umbagero, sugalero at babaero pa!†sabi ni Aya habang galit na tinatanaw si Tito Janno at ang kasamang batambatang babae.
“Babae niya iyon, Aya?’’
‘‘Sigurado yun. Tingnan mo at parang sawa na nakalingkis ang babae.’’
“Ang bata pa ng babae. Baka kasing-age mo lang, Aya.’’
“Nakita mo na Sam kung gaano kahilig ang manyaÂkis. Mahilig talaga sa bata. Hindi na nakapagtataka kung bakit pati ako gustong aswangin.’’
“Anong balak mo ngayon, Aya?’’
“Isusumbong ko siya kay Mama! Mabuti at dalawa tayong nakakita. May katulong ako sa pagsasabi. Baka maliwanagan si Mama at lumayo na sa manyakis na yun.’’
‘‘Sige, nakakaawa naman si Mama Brenda. Dapat nga siguro iwan na niya si Tito Janno mo. Unfair ang ginagawa niya.’’
‘‘Unfair talaga Sam. Napakawalanghiya ng manyakis na iyon na niloloko na si Mama ay binubugbog pa. Hindi naman magawang iwan ni Mama dahil ang katwiran niya, saan daw kami kukuha ng ikabubuhay. Mamamatay daw kami sa gutom. Sabi ko, may mga kapatid pa naman siya na maaaring tumulong. Pero ayaw niya. Mas titiisin pa ang kalbaryong pakikisama sa manyakis kaysa lumapit sa mga kapatid. Pati nga ako, ayaw palapitin. Katwiran din niya, itinakwil na siya kaya bakit pa siya magpupumilit na lumapit...’’
Napabuntunghininga si Aya. Tila marami pang ilalabas pero nagpipigil lang.
‘‘Tayo na, Sam. Saka na lang uli kita ipapasyal. Nasira ang mood ko.’’
“Tayo na. Para maisumbong na natin kay Mama Brenda ang ginagawa ng asawa niya.’’
Umuwi na ang dalawa.
Pagdating sa bahay, wala nang paliguy-ligoy pa si Aya. Sinabi kay Mama Brenda ang nakita sa mall.
‘‘Batambata ang kasama niyang babae, Mama. Napakasama talaga ng asawa mo!’’
Hindi makapagsalita si Mama Brenda. (Itutuloy)
- Latest