^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (119)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘SAM! Sam! Dito! Dito!’’

Malakas ang pagkakatawag sa kanya ni Julia. Napansin niyang napalingon ang ilang pasahero. Bakit kaya nari-to rin si Julia? Pupunta rin kaya ng Maynila?

Hindi na nag-atubili pa si Sam. Lumapit sa kinauupuan ni Julia. Iyon na nga lang ang bakanteng upuan. Pangdalawahan ang inuupuan ni Julia.

‘‘Dito ka!’’ Sabi ni Julia na halatang excited na excited.

‘‘Pupunta ka rin ng May­nila, Julia?’’ Tanong niya nang makaupo. Inalis ang backpack at kinandong.

‘‘Oo. Kukuha ako ng entrance exam. Ikaw pupunta rin ano? Kukuha ka rin ng exam ano?’’

“Oo.’’

‘‘Wala kang kasama?’’ Tanong ni Julia.

‘‘Wala.’’

“Pero nakarating ka na sa Maynila?’’

‘‘Hindi pa. Ngayon pa lang. Ikaw?’’

‘‘Oo. Ilang beses na. Doon nakatira ang Ate ko. Malapit lang sila sa university.’’

Maya-maya pa ay dahan-dahang umusad ang bus. Lumabas sa terminal. Binaybay ang kalsada palabas ng bayan hanggang sa sapitin ang national highway.

Nakatingin sa labas si Sam. Pinagmamasdan ang mga dinadaanan. Unang pagkakataon na pupunta siya sa malayu-layong lugar. Ang mga napuntahan pa lang niya ay mga lugar na malapit lang sa kanilang lugar. Iyon ay kapag may field trip ang kanilang school.

‘‘Mabuti pala at nauna ako sa bus, kundi wala kang mauupuan,’’ sabi ni Julia at tinapik ang kanyang braso.‘‘Nakatayo ka sana hanggang Maynila, he-he-he !’’

‘‘Bababa na sana ako at sa kasunod na bus sasakay.’’

“Naku matagal pa ang kasunod ng bus na ito. Baka hapon ka na makarating sa Maynila.’’

‘‘E mabuti at bakante itong upuan na ito.’’

‘‘Umalis ang katabi ko. Mabuti nga. Kasi hindi ko gusto ang amoy.’’

Napatawa si Sam.

“Amoy suka. Maasim. Guwapo pa naman. Pero hindi ko kaya ang amoy.’’

‘‘Bakit kaya bumaba?’’

‘‘Ewan ko. Mabuti nga at bumaba. Tapos nang umalis e eksaktong nakita kita. Kaya agad kitang tinawag. Baka maunahan ka pa.’’

“Salamat, Julia.’’

“E di bayad na ako sa pagtutor mo sa akin?’’

Napangiti lang si Sam.

‘‘Bayad na ako sa pang-iistorbo ha?’’

Ngiti lang ang sinagot ni Sam. Napansin niya na tumitingin ang ibang pasahero dahil sa malakas na pagsasalita ni Julia.

Nasa expressway na sila nang humilig sa balikat niya si Julia. Inaantok ito. Nasamyo niya ang bango ng buhok ni Julia.

(Itutuloy)

BAKIT

DITO

IKAW

IYON

JULIA

KUKUHA

LANG

MAYNILA

OO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with