^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (118)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGMANO si Sam kay Tatay Ado at Nanay Cion.

“Aalis na po ako.’’

“Alam na ba ni Aya na darating ka ngayon?” tanong ni Tatay Ado.

“Opo. Nagkausap kami kahapon. Sabi ko nga-yon ang dating ko.’’

“Susunduin ka raw ba?”

“Opo. Tumawag daw po ako kapag malapit na sa Maynila ang bus.”

“Hindi ka kaya maligaw, Sam?” Tanong ni Nanay Cion.

“Hindi po.’’

“Sino ba ang susundo sa’yo sa terminal?”

“Si Aya po.’’

“Mag-ingat ka kapag nasa bahay na nina Aya. Ibig kong sabihin, makikisama ka sa ibang tao. Baka mayroong masabi sa’yo ang asawa ni Mama Brenda mo.’’

“Opo, Lola.’’

“Sa pagkuha mo ng exam e magpasama ka kay Aya. Baka ka maligaw, he-he-he!” sabi ni Tatay Ado.

Nagtawa rin si Sam.

“Si Aya nga po ang guide ko, Lolo. Noon pa niya sinabi iyon. Huwag daw akong mag-alala dahil sasamahan niya ako saan man magpunta.’’

“Napakabait na bata talaga ni Aya. Ngayon lang ako nakakita ng ba­tang ganyan kabait at ma­ganda pa. Yung ibang kabataang babae ngayon e lantaran kung magpakita ng pagkagusto sa lalaki…” sabi ni Tatay Ado.

Hindi na nagsalita si Sam.

“Sige Sam, baka wala ka nang maupuan sa bus. Maraming luluwas ngayon. Ingatan mo ang mga gamit mo. Yung school record mo baka nalimutan mo. Yung pera mo at cell phone ay baka malaglag…”

“Hindi po.”

Umalis na si Sam.

Pagdating niya sa ba­yan, nagsisimula nang mag-akyatan ang mga pasahero sa aircon bus na patungong Maynila. Pag-akyat niya. Marami na palang nakasakay. Wala na halos upuan. Tiningnan niya sa dakong huli. Wala na yatang upuan. Baka sa sunod na bus na siya suma-kay pero maaatrasado naman siya pagdating sa Maynila.

Nang may tumawag sa kanya mula sa hulihan.

“Sam! Sam!”

Si Julia! (Itutuloy)

vuukle comment

AYA

MAMA BRENDA

MAYNILA

NANAY CION

OPO

SAM

SI AYA

TATAY ADO

YUNG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with