Halimuyak ni Aya (117)
“BAKA next month ako pumunta riyan, Aya. Kailangan kasi sa first batch ako masama. Kailangan maipasa ko ang college entrance…’’
“Siyempre maipapasa mo ‘yun ang tali-talino mo ano?’’
“Hindi naman gaano, Aya.’’
“Hmmm, pa-humble effect ka pa.’’
“Puwede kaya mag-review ako diyan para makasiguro ako na papasa.’’
“Oo. Sasabihin ko kay Mama na eenrol ka. Pero kailangan, agaÂhan mo pagpunta para makapag-review ka. Sasamahan kita Sam. Don’t worry at ako ang magga-guide sa’yo.’’
‘‘Salamat Aya. HaÂyaan mo at kapag na kapasa ako sa entrance at naging doktor in the future, ako ang gagamot sa’yo. Promise.’’
Napahagikgik si Aya.
‘‘Ang tagal pa nun. Pero sana mag-derma ka, Sam?’’
‘‘Balak ko, Cardio.’’
“Ay sana Derma, para ikaw ang mag-aalaga sa skin ko.’’
“Hindi na kailangang i-derma ang skin mo dahil flawless ka na. Ang kinis na ng kutis mo, Aya.’’
“Oww, ano ‘yan bola o totoo?’’
“Totoo. Hindi naman ako marunong mambola.’’
‘‘E yung nagpapa-tutor sa iyong si Julia, hindi mo binobola.’’
“Siyempre hindi. Ba’t ko naman bobolahin ‘yun.’’
‘‘Ah okey. Sige po Doktor, hihintayin kita sa pagpunta mo rito. Excited ako Sam. TaÂwagan mo ako kapag pupunta ka na rito. Susunduin kita sa bus station.’’
“Oo, tatawagan kita. Excited na rin akong pumunta riyan. Gusto na kitang makita at si Mama Brenda.’’
“Ihahanda ko na ang tutulugan mo rito.’’
“Salamat. Ano nga pala gusto mong pasalubong?’’
“Huwag na. Mahirap magbitbit. Sige, babay na. Tinatawag ako ni Mama.’’
Sinabi ni Sam kay Tatay Ado at Nanay Cion ang balak na pagÂluwas sa Maynila para kumuha ng college entance exam. Walang tutol ang mag-asawa. Ang totoo, sa isang mahusay na unibersidad sa Maynila gusto nilang mag-aral si Sam.
“Sige Sam. Pero kaya mo na bang magbiyaheng mag-isa,’’ tanong ni Tatay Ado.
“Opo. Sasalubu-ngin naman ako sa terminal ni Aya.’’
‘‘Baka sikip na sa bahay nila.’’
“Malaki po ang bahay nina Aya. Mara-ming kuwarto. Lilinisin na nga po ang tutulugan ko.’’
Napatango na lang ang mag-asawa. Sang-ayon sila kay Sam.
Hanggang sa dumating ang araw ng pagtungo ni Sam sa Maynila. Nagpaalam siya sa lolo at lola.
“Mag-ingat ka, Sam…’’ sabi ni Tatay Ado. (Itutuloy)
- Latest