Halimuyak ni Aya (100)
“BAKIT mo naman nasabing galit si Aya sa papa niya, Sam?†tanong ni Nanay Cion.
“Kasi sabi sa akin, kung magdodoktor ako, huwag daw akong magiging mapagmataas o kaya sinungaling. E una ko nang narinig yun kay Mama Brenda. Tinanong kasi ako ni Mama Brenda kung ano gusto kong course sa college, sabi ko baka mag-doktor ako. Paborito ko kasi ang science subject. Yun nga, sinabi sa akin na huwag akong ma-ging mapagmataas o matapobre…’’
“Baka naman nagkakamali ka lang. Kahit paano, papa pa rin ni Aya ‘yun
Hindi sumagot si Sam. Nakatutok sa laptop ang atensiyon.
“E totoo bang doctor ang gusto mo, Sam?â€
“Baka po.’’
“Bakit baka?â€
“Siyempre baka magbago pa ang pasya ko.’’
Napatangu-tango na lang si Nanay Cion. Humanga siya sa apo sapagkat ngayon pa lang ay mayroon nang plano sa buhay. Naisip niya, napakaligaya niya kung magiging doctor si Sam. Abutan pa kaya nila iyon ni Tatay Ado.
LUMIPAS pa ang mga buwan hanggang sa makatapos ng first year si Sam. Hindi na naman natupad na bumisita sina Aya at Brenda. Pero hindi na katulad noon na naaasar si Sam kapag hindi dumara-ting sina Aya. Paano’y nagkakaroon sila ng communications sa FB at madalas silang mag-usap sa phone. Nalalaman niya ang mga nangyayari kay Aya at Mama Brenda. At palagay ni Sam ay walang nababago sa kanila ni Aya. Mainit pa rin ang kanilang samahan.
Isang araw, papasok si Sam sa gate ng school nang masalubong niya ang classmate na si Julia. Maganda si Julia.
“Hi Sam. Samahan mo naman ako sa library may hahanapin lang ako. Puwede?â€
“Sige. Yun lang pala e.’’
Sabay silang nagÂlakad patungong library.
“Ikaw pala ang napili ng school natin para maging representative sa Quiz Contest ano?â€
“Oo.’’
“Ang husay mo talaga Sam.’’
“Hindi naman.â€
“Ang suwerte ng magiging siyota mo. Guwapo na matalino.â€
Nagtawa lang si Sam.
(Itutuloy)
- Latest