^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (94)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAUPO sa kama si Aya. Nakatayo lang si Sam.

“Ang linis ng kuwarto ko. Ikaw ba talaga ang naglilinis nito o binibiro mo lang ako,” sabi ni Aya habang nakatingin sa kabuuan ng silid.

“Ako nga ang nag­linis. Tanungin mo pa si Lola.’’

“Oo na. Naniniwala na ako.’’

“Kapag Sabado, nililinis ko ito kasi nga baka bigla kayong dumating.’’

“Umaasa ka na darating kami ni Mama, Sam?’’

“Oo naman. Kasi la-ging sinasabi ni Mama Brenda, uuwi kayo e kaso hindi naman natutupad.’’

Napaismid si Aya.

“O bakit ka umismid?”

“Wala.”

“Alam ko na kung ba­kit, dahil kay Tito Janno mo ano?”

Nakaismid pa rin si Aya.

“Sige huwag na iyon ang pag-usapan natin. Masamang tingnan na nakaismid ka. Ngayon lang tayo nagkita nakaismid ka pa.”

Ngumiti si Aya. Mas lalo palang maganda kapag nakangiti. Pantay-pantay at mapuputi ang mga ngipin ni Aya.

“Ay lalo ka palang maganda kapag naka-ngiti!” sabi ni Sam. Umupo ito sa tabi ni Aya.

“Ikaw ha binobola  mo na ako niyan.”

“Hindi kita binobo-    la kundi pinatatawa.’’

“Nakakatawa ka, Sam?”

“Talaga? Nakakatawa ba ang mukha ko?”

Nagtawa si Aya.

“Hindi yang mukha mo kundi ang kakornihan mo.”

“Sorry, probinsiya-  no kasi ako, he-he!”

Nagtawa si Aya. Wa­lang tigil. Naalog ang kama. Masayang-masaya siya.

Nang tumigil sa pagtawa ay may naalala.

“Ay buksan mo ang box, Sam. Pasalubong namin ni Mama sa’yo.’’

“Para sa probinsiyano ba ‘yan?”

“Sige na buksan mo.’’

Agad binuksan ni Sam. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Laptop. Bagumbago.

“Eto ang matagal ko nang gusto, Aya. Sala­mat!”

“Wala pong anuman, Mr. Probinsiyano.’’

Habang masaya sina Sam at Aya, kabaliktaran naman sa nangyayari sa salas. Umiiyak si Brenda sa harap nina Nanay Cion at Tatay Ado. Sobra na raw ang pagtitiis niya!

(Itutuloy)

 

AYA

IKAW

KAPAG SABADO

MAMA BRENDA

MR. PROBINSIYANO

NAGTAWA

NAKAKATAWA

NANAY CION

OO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with