Halimuyak ni Aya (85)
HINDI tinawagan ni Sam si Aya nang araw na iyon. Nagtaka si Tatay Ado kung bakit. Tinanong si Sam.
“Bakit hindi mo tina-wagan si Aya?â€
“Saka na lang Lolo.â€
“Bakit?â€
“Kapag magaling na ang sugat ko. Nahihiya ako.â€
“E hindi naman niya alam na tinulian ka.’’
“Saka na lang Lolo. Hindi po kasi ako makapagsalita nang maayos dahil sa sugat.’’
“Ah ganoon ba e sige sa isang linggo mo na lang tawagan at sigurado, bahaw na ang sugat.’’
“Lolo, bakit kaya bigÂlang sumakit pagkatapos mong linisin etong ano ko.â€
“Masakit?â€
“Hindi naman po masÂyadong masakit.â€
“Ah, ano lang yan, dahil sa inilagay na pambenda. Mawawala rin ang sakit niyan. Huwag ka na lang magkikilos at baka magdugo.’’
“Hindi na nga ako masÂyadong naglalakad, Lolo.’’
“Dadalhan na lang kita ng pagkain dito sa kuwarto mo.â€
“Kaya ko pa naman pumunta sa kusina, Lolo.â€
“Dadalhan na lang kita. Huwag ka nang kumilos. Para mabilis gumaling ang sugat mo.’’
“Sige po.’’
MAKALIPAS ang isang linggo, magaling na ma-galing na ang sugat sa “bird†ni Sam.
“Tatawagan ko na si Aya, Lolo.â€
“Sige. TaÂwagan mo na ngayon.’’
Dinayal ni Sam ang number ni Aya. Nag-ring. Hindi humihinga si Sam. Ilang ring pa bago may sumagot. Babae. Si Aya!
“Aya!â€
“Sam!â€
“Kumusta Aya?â€
“Mabuti naman, Sam.â€
“Si Mama Brenda, kumusta?â€
“Okey naman siya. Ikaw kumusta ka?â€
“Mabuti naman.â€
“Sorry hindi na kita nasagot nung huling tawag mo. Kasi… busy ako sa pag-aaral.’’
“Okey lang yun, Aya. Kaya nga hindi na kita tinawagan e. Baka busy ka nga sa pag-aaral. E di graduate ka na rin ano?â€
“Oo. Ikaw graduate na rin ano. Sigurado valedictorian ka.â€
“Ba’t mo alam, Aya?â€
“E alam ko matalino ka! Noon pa alam ko. Saka sabi ni Mama, matalino ka.’’
“Hindi naman.’’
“Naks, ang humble mo naman.’’
Nagtawa si Sam.
“E siyanga pala, Aya kailan ka ba pupunta rito?â€
Biglang nalungkot si Aya.
“Hindi ko alam, Sam. Gusto ko nga pumunta d’yan pero wala namang sinasabi si Mama…â€
(Itutuloy)
- Latest